Celestine's pov
THE PAST FEW WEEKS ARE STRESSFUL!
I am the talk of the town since lumabas ang isang video na pinagtanggol ako ni Arthur kay Rob.
Popular ang pangalan ko sa social medias ngayon. May mangilan-ilan ding reporters ang umaaligid sa Shop namin ni Vienne dito sa Manila.
Ang dami ding hateful comments tungkol sa akin.
"Suwerte naman ni Ate Girl at pinag aagawan ng dalawang sikat na singer."
"Ano kayang gayuma nilagay niya kay Arthur para patulan siya?"
"Two timer naman pala si pastry chef."
"Gold digger! gustong sumikat."
"Sabi ni Arthur Nery friends lang sila pero makadikit siya kay Arthur parang linta."
And so on...
Never ko na imagine na pag uusapan ako ng ganito sa buong buhay ko...
Napaka hirap pala...Halos dumoble din ang followers ko sa aking instagram account at facebook account.
Ang masama pa diyan ay pati ang business ko ay sinisiraan na din ng iilang tao.
Maraming hateful comments sa designs,sa texture at sa lasa ng pastries namin.Medyo bumaba ang sales namin compared sa sales namin noon.
"Bessy? okay ka lang? kanina kapa tulala diyan." biglang tawag ni Vienne sa akin.
"I'm okay bessy...marami lang iniisip." sagot ko
"Alam mo bessy huwag ka mag pa apekto sa mga bashers mo or bashers ni Arthur.
sayang lang ang ganda mo sa ganiyang mga tao." sabi niya"Ewan ko bessy...hindi ko maiwasan e." pag amin ko
"Kapag nagpaapekto ka talo ka...
Nangyari na sa amin ni Jroa noon yan.
pati mga events ko apektado din just like whats happening to your business right now. pero alam naman natin parehas na walang mali sa lahat ng pastries...Gumagawa lang sila ng issues." sagot ni Vienne"I know...ang ayaw ko lang kasi pati sina Papa at Mama nag aalala na sa akin dahil nga sa lumabas na issue. Medyo bumaba din ang orders at sales ng branch namin sa Pampanga..." sagot ko
"Its normal bessy...
normal sa business iyan.
Tiyaka huwag kana masyado mag isip ng negative diyan...
Magiging okay din lahat."
pag cheer up sa akin ni Vienne"Sana nga bessy." sagot ko
"So kumusta naman kayo ni Arthur?" tanong niya habang nag i-islice ng blue berry cheese cake.
"Okay naman kami. Hindi lang kami madalas magkita this past few weeks. pero madalas kami magkausap."
sagot ko habang humihigop ng mainit na kape."Wait! Hindi ba malapit na first anniversary ninyo?? Ano ang plano ninyo?" Tanong niya
"Hindi ko pa alam e. Wala naman nababanggit si Arthur about it. hindi pa namin napag uusapan. sobrang busy din niya at sunod sunod events niya at tinatapos pa nga nila yung album niya." sagot ko
"If sobrang busy siya edi ikaw
na mag plano.
May regalo kana ba sakaniya?" Pangugulit niya"Meron na bessy. matagal kona pinaghandaan ang regalo niya."
sagot ko"O yun naman pala! Gusto mo ba pag book ko kayo ng hotel or resort? sabihin mo lang.
I have a lot of connections." sabi niya"I'll just leave it to Arthur...
Kung ano ang plans niya sa 1st anniversary namin." matamlay kong sagot
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.