XIII - Confusion

3 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🆃🅷🅸🆁🆃🅴🅴🅽

Celestine's Pov

Mabilis akong bumalik sa may living room area kung nasaan sina Vienne.
Hindi ko alam kung paano mag rereact sa nakita ko... That woman is kissing Arthur.

I felt a pang of pain inside me.
Hindi ko alam kung bakit para akong nasaktan sa nakita ko.
Hindi ko maintindihan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
I just want to be alone right now.

"Uy bess saan ka galing? Tapos mona ba nakausap sina Zeinab? Tinatanong ka nila sa akin kanina eh." Sabi ni Vienne

"H-ha? Oo bessy.. N-nakausap kona sila actually kanina pa. G-galing ako ng kitchen uminom ako ng tubig." Pagsisinungaling ko

"Wait... hindi ba malapit lang ang kitchen sa may masters bedroom? Nakita mo ba si Arthur? Ang sabi niya makiki CR lang siya sa may room ni Vienne."
Tanong ni Jroa

"H-ha? Oo nakita ko siya... May kausap na babae kaibigan siguro niya." Simple kong sagot

"Umm bessy are you okay? You look pale..." Biglang pag aalala ni Vienne

"Okay lang naman ako. Siguro kailangan ko nalang magpahinga at matulog na Bessy... Napagod lang din siguro ako sa pag tapos ng Cake kanina at sa pag tulong sa iba pang preparations.
Mauna na ako magpahinga ha."
Paalam ko

"Okay bessy.. Magbihis kana at magpahinga... We'll head out na din niyan para ituloy ang party sa isang club malapit dito .. Are you sure you're okay?"
Tanong niya ulit

"Of course bessy...Go and have some fun okay na okay ako." Nakangiti kong sagot

"Halika at magpaalam kana kina Jroa so you can rest na." Masuyo niyang sabi

"Guys mauna na ako ha? Gusto ko na kasi matulog at magpahinga... Maaga pa kasi ako mamaya para bumili ng ingredients sa gagawin kong cake." Paalam ko sakanilang tatlo

"Hindi kana ba sasama sa Club?
sayang naman." Sagot ni Zack

"Hindi na muna Zack. Marami pa kasi akong gagawin mamaya. Next time nalang." Nakangiti kong sagot

"You look sick ... Are you sure you're okay? Gusto mo ba ihatid na kita sa kwarto mo Celes?" Tanong ni Adie

"I'm fine... Parehas kayo ni Vienne na makulit at ayaw maniwala. Kalmahan niyo lang...okay lang talaga ako." Nakangiti kong sagot

"Okay... Sabi mo eh.. Pero I hope hindi ito ang huli nating pagkikita natin Celes.." Seryoso niyang sabi

"Ummmm...Me too Adie..." Simple kong sagot

"Take a rest now ...Good night Celes." Sagot niya pabalik

"Good night too Adie." Sagot ko bago tuluyang pumasok ng kuwarto.

Kaagad kong nilock ang pintuan ng kuwarto at humiga sa malambot na kutson. Until now hindi ko maintindihan ang mga emosyon na nararamdaman ko.
Napaka saya ko kanina dahil nagkita kami ulit... Nagkausap, nagka-sama at sabay pa kaming kumanta.
Hindi ako ang tipo nang babae na mabilis magka gusto sa isang lalaki.
Hindi naman sa pihikan ako pero pagkatapos ng pinaka una at huli kong relasyon ay hindi na ako naging interesado sa ibang lalaki. Hindi pa rin nawawala ang takot na baka mangyari ulit ang nangyari noon.
Pero ibang iba si Arthur ...
Sa una palang naming pagkikita ay naging kumportable na ako sakaniya at napakasaya ng puso ko kapag nakakausap o nakakasama siya at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit...
At heto ako ngayon nasasaktan dahil sa nasaksihan ko kanina.

Celestine tandaan mo wala kayong label o anu pamang relasyon kaya puwede ba tigilan mo yang pag dadrama mo? Kung ano man yang nararamdaman mo eh pigilan mo habang maaga pa. Huwag mo siyang tuluyang papasukin diyan sa puso mo please lang. Masyadong magkaiba
ang mundo ninyo.
Iyon nalang ang nasabi ko sa sarili ko bago bumuntong hininga.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon