XIV - Roots of Love

0 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🅵🅾🆄🆁🆃🅴🅴🅽

Celestine's POV

Pasado alas otso ng umaga nang tumayo ako. Na disoras na pala akong gumising. Mabilis akong tumayo at pumunta ng kitchen para magtimpla ng coffee. Naalala ko na madami pa pala akong bibilhin na ingredients para sa order ni Miss Janine na Cake.

Naisipan kong pagluto si Vienne nang almusal at gawan siya ng Chamomile tea para sa hang over niya. Malakas masyado uminom ang babaeng iyon kahit hindi naman ganoon kataas ang tolerance niya sa alak. Panigurado magrereklamo iyon mamaya na masakit ang ulo niya.

Naisipan kong magluto ng Tapsilog
(Tapa,Sinangag at Itlog)
since favorite din ni Vienne ang karne
ng baka.

Mabilis ko din natapos ang pagluluto at naisipan nang magtimpla ng aking Coffee at Chamomile Tea naman para kay Vienne.

Habang nag kakape ay Vinideo call ko gamit ang laptop ko sina Mama upang kumustahin sila at para ikuwento ang mga kaganapan sa birthday party ni Vienne.

"O anak balita ko madami kang nakilalang mga sikat na artista at singers kagabi. Nagsend sa amin ng picture si Vienne at nandito yung dalawang kapatid mo naiinggit." Natatawang balita ni Mama

"Ateeee! Napaka daya mo bakit hindi mo sinabi na makikita and makikilala mo sina Arthur Nery, Adie and Zack Tabudlo diyan?? Sana pala sumama nalang kami ni Cassey sayo." Pagrereklamo ni Marga

"Oo nga ate Celes! May picture pa kayo ni Arthur na kumakanta at nakaholding hands! Dapat ako yun e!" Dagdag ni Cassey

Hindi ko napigilang tumawa sa mga sinabi nila.

"Hoy kayong dalawa unahin niyo pag aaral ninyo ha? Tiyaka bakit ako sinisisi niyo e etong si Vienne ang hindi nagsasabi na Boyfriend pala niya si JRoa at kaibigan na pala niya yung mga crush ninyo." Sagot ko

"Huy! Bakit ako nasali diyan ha?? Hello po Tita Ganda and Tito Pogi!" Masayang bati ni Vienne na gumising na din pala.

"Oh gising kana pala Bessy ... Anong oras ka umuwi?" Tanong ko

"Hindi ko alam parang 5 am na ata. Grabe ang sakit ng ulo ko awww!" Reklamo na niya

"Sabe ko na nga ba may massive hangover ka nanaman. Oh eto inumin mo." Tiyaka ko inabot sakaniya ang tea na ginawa ko para sakaniya.

"Awww ang sweet mo naman bessy alam na alam mo talaga ang treatment ko for my hangover. You're the best talaga!" Nakangiti niyang sagot

"Ilang taon kana naglalasing Bessy kaya memorize kona anong gagawin. Mabuti nga at hindi na kita kinailangan pang sunduin sa Club dahil sa kalasingan mo eh." Dagdag ko

"E siyempre naman may taga hatid at taga sundo na ako eh.. May lalaking kayang sabayan ang mga trip ko sa buhay. I'm so lucky!" Kinikilig niyang sabi

"Hmmm sabi ko nga." Natatawa kong sagot

"Ate Vienne!!! Totoo ba na jowa mo si Jroa?? Na friends mo sina Arthur Nery?" Biglang tanong ng dalawang kapatid ko at inagaw na pala ang cellphone ni Mama para makausap kami.

"Oo! Actually 1 year na kami ni Jroa. At matagal kona din kaibigan sina Arhur. Huwag kayo magtatampo at kapag nakapasyal kayo dito sa Manila ay ipapakilala ko kayo sakanilang apat." Sagot ni Vienne

"Talaga ate Vienne? Thank you! Aasahan namin iyan ha?" Masayang sagot nila at ibinalik na kina Mama at Papa ang Cellphone na gamit nila.

"Nako iniispoil mo nanaman yung dalawa baka masanay naman." Reklamo ko kay Vienne

"Okay lang yun bessy ano kaba? Namimiss ko lang din yung dalawang iyon at dalaga na din sila ano? Ang bilis ng panahon." Komento niya

"Kaya nga.. Ngayon nasa first year college na silang kambal. Kaya kailangan ko talagang mas maging hardworking at mapatapos sila sa college." Sabi ko

Note: Kambal sina Marga and Cassey pero Non-Identical twins sila. 😊

"Nako bessy kayang kaya mo yan.
Sa galing mo ba namang mag save at mag ipon for sure mapapatapos mo na yung kambal." Sabi niya

"Nako hindi naman bessy sakto lang." Natatawa kong sagot

"E ako nga tong walang maipon.
I can't resist buying limited edition bags and shoes! They are too tempting." She pouted

"E magastos ka kasi papano ka makakaipon!" Sermon ko sakaniya

"I know right." She winked

"O Vienne kumusta naman kayo ng boyfriend mo 'nak? Kailan mo ipapakilala sa amin at nang makilatis namin ng Tita mo." Biglang sabi ng Papa ko.

"Soon po Tito Pogs (Pogi) makikilala niyo din po siya." Sagot niya

"E iyang si Celestine? Nahanapan mo naba ng Boyfriend diyan?" Dagdag pa ni Mama

"MA! Anu ba yan usapang boyfriend nanaman po." Reklamo ko

"Nako Tita Ganda kung alam niyo lang hindi lang isa kundi dalawa ang interesado dito kay Bessy." Nakangiting sagot niya

"Aba'y paligawan mona iyang bestfriend mo Vienne. Ibibigay namin ang basbas namin kung sino man ang matipuhan ni Celestine doon sa dalawa." Sagot ng magulang ko

"Ano to? Pinagtutulungan ninyo akong tatlo ganun ba? Grabe naman kayo ayyy." Natatawa kong sagot at hindi napigilang matapik ang noo.

"Tama naman sina Tito at Tita. Oras na para magka jowa ka noh! Hindi yung puro trabaho inaatupag mo." Sagot ni Vienne

"Oo nga anak nasa edad ka na din para mag asawa. Bigyan mo na din kami ng apo at hindi naman kami pabata nitong Mama mo." Komento ni Papa

"Aba'y apo agad? Nagmamadali tayo Mama?Papa?" Prangka kong sagot

"Ay Tita,Tito ako bahala kay Bessy at hahanapan ko kaagad ng jowa na ipapakilala sainyo diyan sa Pampanga.
Kayang kaya ko hanapan ito ng mamanugangin ninyo." Natatawang sagot ni Vienne at hindi na namin napigilang magtawanan.

Pagkatapos naming kausapin ni Vienne ang magulang ko at ang kambal ay sabay na kaming nag almusal. Masaya siyang nagkukuwento ng mga kaganapan sa pagpunta nila sa isang sikat na Club kanina. Nakikita ko sa mga mata niya na napakasaya niya...
Na napapasaya siya ni Justin.
Hindi tuloy mawala sa isip ko ang mga tanong na pilit ginagambala ako.
Am I really ready to commit?
Am I really ready to love again this time?
Its been 2 years since my first and last love. Akala ko talaga noon iyon na ang una at huli kong pag ibig. But It turns out to be my worst nightmare. Sa umpisa lang pala masaya.
That love and relationship almost took my own life, my dreams and trust.
I never talked about it to anyone else ...
Ang pamilya ko lang at si Vienne ang nakakaalam ng lahat ng iyon.
Nalilito ako kung ano nga ba talaga ang gagawin ko. Sinasabi ng puso ko na magtiwala at huwag matakot na magmahal ulit. Pero ang sinasabi naman ng isip ko ay huwag nalang at baka maulit lang ang nangyari noon.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim sa naisip ko.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon