🅣🅗🅘🅡🅣🅨 🅣🅗🅡🅔🅔
"May manliligaw kana pala Anak bakit hindi ka nagsabi kaagad sa amin." tanong ni Papa habang sabay sabay kaming nanananghalian.
Ipinagluto nila kami ng Sisig na baboy, Seafood Kare kare,Inihaw na Pusit at Banana muffins para sa dessert. Mukhang mapapakain nanaman kami ni Vienne nito lalo na at napakasarap din magluto ni Mama.
"Sorry na po Pa' Ma' eh kanina lang po kasi nagsabi na manliligaw po si Arthur. Huwag napo kayo magalit." Nahihiya kong sagot
"Hindi naman kami galit anak. Masaya nga kami at may pinayagan kanang manligaw sa iyo. E bakit kasi nagpapaligaw kapa? dapat ay sinagot mona kaagad ng makilatis kona dito ngayon." sagot ni Papa
"Grabe naman po yun Pa. Sasagutin agad? E gusto ko pa po makilala si Arthur bago ko man siya sagutin." sagot ko
"Nako Anak makikita mo ang ugali niya kapag naging kayo na. Tignan mo kami ni Papa mo? ni hindi nga ako niligawan niyan. Kaagad naging kami at kaagad din kaming nagpakasal." Sabi naman ni Mama.
"Really Tita? hindi na po kayo nagpaligaw kay Tito?" tanong naman ni Vienne.
"Masyado akong gusto nitong Tita mo Vienne. hindi ko naman siya masisisi e sa pogi ko ba namang ito." natatawang sagot ni Papa.
"Ayan kananaman Dear. baka maniwala pa ang anak mo at si Vienne niyan. hindi naman yung itsura mo ang unang nagustuhan ko saiyo kundi ang panloob na katangian mo at ang sipag mo sa trabaho." paliwanag naman ni Mama
"Tumpak! Yung mga outside qualities na iyan e secondary nalang. Importante yung ugali at linis ng kalooban." Pag sang-ayon ko kay Mama.
"Basta Celestine anak. Kapag nagdesisyon kana na sagutin yung manliligaw mo na singer e agad mong ipakilala sa amin ng Mama mo. gusto naming makasiguro na nasa tamang tao kana anak. alam mo naman na ayaw naming makita kang malungkot at bigo ulit sa pag ibig." seryosong sabi ni Papa.
"Oo nga Celestine ... Mahal ka namin ng Mama at Papa mo alam mo iyan. Mahalaga ka sa amin Anak... ipinagdadasal namin lagi ang kaligayahan mo anak. huwag puro trabaho anak ha? masyado mong ininuon sarili mo sa trabaho at sa amin. Piliin mong magmahal at magkaroon ng oras sa sarili mo ngayon anak. susuportahan ka namin." masayang sabi naman ni Mama.
"Salamat po Ma' Pa ..." Naiiyak na sagot ko sakanila at hindi napigilang yakapin sila.
"Mabait naman ba yung Arthur Nery na iyon?" tanong ni Papa
"Opo...sobrang bait po niya at maalalahanin po siya. Tiyaka napakagaling po niyang kumanta." nakangiti kong sagot
"Alam namin na napakagaling niyang singer e araw araw ba naman pinapatugtog ng mga kapatid mo ang mga kanta niya." sagot naman ni Mama.
"Ateeee! Sagutin mo na kasi si Kuya Arthur Nery! para naman makilala na namin sa personal ni Cassey. Tiyaka para maipakita namin sa mga friends namin." biglang sabi naman ni Marga
"Oo nga ate! Hindi naman namin siya nalapitan nung pumunta siya sa Aurora Festival sa Clark. napakadaming tao kasi nun ate. hindi man lang kami nakapag selfie kasama si Chinggo." nalulungkot na sabi ni Cassey.
"T-teka Chinggo? sino yun?" pagtataka ko
"Bessy anu kaba? Nickname ni Arthur iyong Chinggo. hindi mo alam?" natatawang tanong ni Vienne.
"H-hindi e. hindi niya nabanggit sa akin.
Ang cute naman pala ng nickname niya." nakangiti kong sabi"Ay! si Ate oh kinikilig kay Kuya Arthur!" pang iinis naman ng kambal
"Kung nakita niyo lang gaano kinikilig kanina sa kotse iyan dahil sa mga binigay na sunflowers ni Arthur." dagdag pa ni Vienne
"Sige lang! pagtulungan niyo lang akong tatlo at nagsama sama nanaman kayo ha!" sagot ko sakanila
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.