LXV - Silent Goodbyes

0 0 0
                                    

My head is spinning when I woke up.
I tried recalling everything that happened before I collapsed.

Oo nga pala! Hinarass ako ng mga fans ni Arthur at AJ.... Sh*t! si Arthur! Hindi na ako nakabalik sa condo niya!
He must've been worried!

Alam kong nasa ospital ako ngayon kaya pinilit kong umupo sa hospital bed pero naramdaman ko ang kirot sa may kanang parte ng ulo ko at ang hapdi ng iba't ibang parte ng katawan ko.

"Don't force yourself love."

Napatigil ako sa pagkilos nang marinig ako ang boses na yun... He's here.

Dahan dahan akong tumingin sakaniya...

Kitang kita ang pag aalala sa mukha niya... Mga mugtong mata niya ...
Alam kong nag alala siya nang husto sa akin.

"Arthur."

"God! Nag alala ako ng husto saiyo. Kulang nalang paliparin ko ang kotse ko makapunta lang dito sa ospital nang ibinalita ni Vienne ang nangyari." Naiiyak niyang sabi at niyakap ako.

"Hush...Its okay."

"No its not! This is too much for you.
Hindi mo deserve ang nangyaring ito. sinaktan ka nila Celes! Hindi ako papayag!"

"Ang importante ay okay ako.
I mean look at me, I'm fine now."

"No you're not. They have to stitch up the wound on your head and you have some bruises on your body.
I'm sorry love! Kasalanan ko ito."

"This is not your fault okay? You can't control your fans. They're just protective of you." pilit na pagpapakalma ko sakaniya

"No! Oo fans ko sila pero wala silang karapatang manakit, wala silang karapatang saktan ka." He answered

I hugged him tightly, Trying to comfort him. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya ngayon dahil sa nangyari sa akin.

"Don't worry... I'll fix this.
I'll make a statement, magpapa interview ko at sasabihin kona sa lahat na ikaw ang fiancee ko."

"W-hat?" gulat na gulat kong tanong

"I'll deny my rumored relationship with AJ and I'll confirm our relationship."

"I think this is not the right time Chinggo, It will affect your career.
Marami kang future projects at ayaw kong maapektuhan ang career mo dahil lang sa nangyari sa akin." Paliwanag ko

"I don't care anymore, binigo na kita ng isang beses, This time hindi na kita itatanggi. Hindi ako papayag na masaktan ka pa nila ulit."

"I know you're emotional right now love, sabi ko naman saiyo hindi ba? I can wait, hindi kita minamadali na sabihin sa lahat na ako ang totoong nagmamay ari ng puso mo.
Naisip ko lang din na baka pag sinabi mona ang tungkol sa atin ay mas lalo nila akong pag initan or ang malala pa ay saktan nila ako ulit. Ang sa akin lang ay huwag tayong magmadaling magdesisyon tungkol dito." paliwanag ko sakaniya

"Pero---

"Alam mo naman hindi ba? na hihintayin ko ang tamang oras para diyan. Makasama lang kita kahit hindi araw araw ay okay na sa akin.
Hindi ba't sinabi ko saiyo na susuportahan kita ng buong puso sa pagtupad mopa sa mga pangarap mo?
Kaya huwag mo akong alalahanin.
Sapat na sa akin na alam kong ako ang Mahal mo." I smiled to him

He hugged me gently and caressed my hair. I felt his body relaxed this time.

Ibinalita sa amin ni Vienne at Adie na naireport na nila ang nangyari sa mga pulis. Pinaghahanap na rin ang mga taong nanakit sa akin. mabuti na lang at may CCTV's sa parking area ng grocery store na iyon at nakuha ang plate number ng kanilang sinasakyan.

Bumisita rin sa akin sina Zak at Jroa, maging si Janine ay binisita ako.

Kinabukasan ay lumuwas din galing Pampanga ang pamilya ko para bisitahin ako. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanilang mga mukha.

Personal na humingi rin ng tawad si Arthur sakanila lalo na sa magulang ko dahil sa nangyari sa akin.
Pinatawad naman nila ito at nakiusap na pangalagaan ako at huwag hayaang mangyari at maulit ang nangyari sa akin.

Mag a alas onse ng umaga nang umalis si Arthur dahil kailangan na niyang bumalik sa studio. Lumabas din si Mama upang bumili ng pagkain namin. Ang mga kapatid ko naman na si Cassey at Marga ay nauna nang bumalik ng Pampanga dahil sa may mga pasok pa sila.

Kasama ko ang Papa ko ngayon habang pinagbabalat niya ako ng mansanas.

Nakita naman namin na inireport sa TV ang aksidenteng nangyari sa akin.
Iniwas ko muna ang sarili ko sa pagbubukas ng social media accounts ko para hindi madismaya sa mga komento ng mga tao sa akin.

"Anak heto ang mga binalatan kong mansanas, kumain ka at magpalakas." Tawag ni Papa sa akin sabay abot sa mga binalatan niyang mansanas.

"Salamat po Pa." Sagot ko

"Nak,puwede bang magtanong?"

"Oo naman po Pa, ano po iyon?"

"Okay ka lang ba? Masaya ka pa ba?"

Nagulat ako sa itinanong ng Papa ko.

"Po? Oo naman po Papa. Okay at masaya po ako." Sagot ko

"Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin anak.
Ako ang Papa mo at alam ko kung kailan ka okay at kung kailan hindi okay.

Hindi ko napigilan ang sarili at niyakap konng mahigpit ang Papa ko.

"Pa, sobrang bigat napo Pa." Hagulgol akong umiiyak habang pinapakalma ng Papa ko.

"Okay lang anak sabihin mo lang kay Papa lahat. Alam mo naman na makikinig si Papa saiyo hindi ba? Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo anak."

"Mahal na mahal ko siya Pa, alam ko mahal niya rin ako pero ...
Pero nararamdaman kong hindi na kami tulad ng dati. Na parang unti unting nagbabago ang relasyon namin."

"I understand him, Lahat iniintindi kopo Papa. Pero dumadating na ako sa mga oras na napapagod napo ako. I know he's trying.. He's doing everything to make me happy to make me feel that I'm still his priority. Pero bakit ganoon Pa? Parang hadlang ang mundo sa aming dalawa? Bakit hindi nalang puwedeng maging masaya?"

I cried and cried not knowing what to say anymore.

"Shhhh..makinig ka anak ha?"

I sniffled and tried to calm down looking at my Dad.

"Hindi puro tamis at saya lang ang isang pagsasama o relasyon. Dadating at dadating kayo sa puntong pagod na kayo parehas pero alam kong pipiliin at pipiliin niyo ang isa't isa kahit ano pa mang mangyari. Nakita naming mahal na mahal ka niya anak. I can also see him trying and doing his best to make you stay. Alam kong gulong gulo ka sa ngayon pero alam kong napaka strong mong tao. Napaka tatag mo anak at proud na proud ako saiyo dahil doon. Alam kong kaya mong harapin ang mga ganitong pagsubok." He smiled sweetly at me

"Papa."

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, na mahal ka namin ng Mama mo at mga kapatid mo. Lagi mong ingatan ang sarili mo anak. Huwag kang magpapatalo sa mga ganitong pagsubok.
Always remember hindi kita pinalaking talunan. Hindi kita pinalaking mahina.
Ipinagmamalaki ka namin ng Mama mo anak. Kaya mo yan. Makakabangon ka rin."

"Thank you Pa." I hugged him tightly

I have a very close relationship with my parents, with my siblings. I know that I can always count on them. Simula nung bata ako ramdam ramdam ko na puno ako ng pangaral at pagmamahal. At iyon ang hindi makukuha ng kahit sinoman sa akin.

"Thank you talaga Papa, pero grabe yung speech mo Pa ha? Mukhang mas nagdrama kapa sa akin." Mahinang tawa ko

"Ay nakaka hawa lang kasi yung pagka senti niyo ng Mama mo. Dapat e hindi ako naluluha sa ganito." Natatawa niyang sabi

"Okay lang yan Pa hindi ko ichichika kay Mama. " at sabay kaming nagtawanan dahil doon

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon