🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🅴🅸🅶🅷🆃🅴🅴🅽
Arthur's POV
Maaga akong gumising para mag GYM ulit ngayong araw. Magiging busy na kasi ako niyan kaya sinusulit kona ang pagwowork out sa mga araw na free ako. I am preparing myself for my own concert next month kaya todo rehearsals na ako sa darating na mga araw.
Nasa isang oras na din akong nagwowork out at nagpapapawis nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Bro! Nandito ka din pala? Kumusta?" Bati ni Jroa na kasama si Vienne
"Oks lang ako bro. Heto nagpapapawis at nagwowork out lang habang may libreng oras at araw." Sagot ko
"Ganun ba. Magwowork out din kame ni Vienne bago siya pumunta sa isang scheduled photoshoot niya. Right babe?"
Sabi ni Jroa at hinalikan sa labi ang girlfriend niya.Mapapa sana all ka nalang talaga.
Natatawa kong sabi sa sarili ko"By the way Arthur gusto ko lang mag thank you ulit for coming and performing last two days ha? Nag enjoy mga bisita ko sa performance ninyo." Masayang sabi ni Vienne
"No problem Vienne. Thank you din sa pag imbita mo sa amin. Kung hindi din dahil sa pag imbita mo hindi kami magkikita ulit ni Celestine." Nakangiti kong sagot
"Oo nga no? Biruin mo nga naman nagkita at nagkausap na pala kayo noon tapos pinagtagpo kayo ulit. Parang love story sa mga teleserye at pelikula lang."
"I know right? Like we were really meant to meet again. Pagkatapos bestfriend mo pa pala siya." Sagot ko
"Yeah! Malay mo hindi ba? Hindi lang pala friendship ang magiging status ninyo sa future." Sagot ulit ni Vienne
"I agree... Nga pala kumusta na pala siya? Hindi kasi siya nagrereply sa mga chats ko sa IG at mga tawag ko kahapon." Nag aalala kong sabi
"Baka masyado lang din siyang busy sa pag prepare and bake ng inorder ni Janine. Ganun talaga yun pag nag bi-bake kailangan naka focus talaga." She answered
"Oh. I see kaya pala hindi siya ma contact kahapon." Sagot ko
"Masyadong focused sa career niya iyon.
Actually nagpapasama siya sa akin today para tulungan siyang ideliver yung cake kaso wrong timing kasi nga may photo shoot ako later...Hindi kasi niya kabisado ang mga lugar dito sa Manila. Hindi naman kasi mahilig gumala iyon kahit na nandito na sa Manila.""Ahhh..A-ko nalang." Offer ko
"What? Are you sure Arthur?" Tanong ni Vienne na halatang nagulat sa offer ko.
"Oo nga bro hindi bat busy ka na niyan since malapit na ang solo concert mo?" Tanong ni Jroa
"Yeah I know...pero I can still clear my schedule for today. I just want to...to--"
Hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin lalo na kaharap ko ang best friend ni Celes."You want to see her? Tama ba?" Nakangiting tanong ni Vienne
Sh*t Am I too obvious?
"Y-yeah. I guess so." Tipid kong sagot
"Sure! Kung ako saiyo magshower kana at magbihis. sunduin mona siya kaagad doon sa Condo unit ko. Make sure she's safe okay? Importante sa akin si Bessy kaya umayos ka." She warned
"Oo naman. I meant no harm. Gusto ko lang siyang makita ulit." I answered
"Okay..Ohhh and Arthur?" Biglang tawag niya ulit sa pangalan ko
"Yes Vienne?" Tanong ko
"She loves sunflower. You can thank me later." She winked
"O sige na Art mag prepare kana at mauna na kami ni Vienne. Good luck brother." Sagot ni Jroa
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.