LXVI - MESS

0 0 0
                                    

2 weeks later

Nagbakasyon ako ng isang linggo sa probinsya namin bago bumalik sa pagtatrabaho at pagmamanage ng branches ko. Unti unti na ring umaayos ang sales ko. Alam kong makakabangon din ako.

Dalawang linggo na rin nung huli kaming magkita ni Arthur. Para na rin sa safety ko ay hindi muna kami nagkita. Iniimbestigahan pa rin kasi ng mga pulis ang nangyaring pang aassault sa akin ng mga so called fans ni Arthur. Pinaghahanap pa sila kaya minabuti naming maging Low key muna sa relasyon namin ni Arthur.

I miss him so much. I miss our quality time together. Namimiss kona siya ng sobra sobra.

Day Off ko ngayon sa trabaho at maghapon akong nakatunganga dito sa condo unit ko pero buti na lang at dadalawin ako nina Vienne at Adie mamaya.

Mabilis ko din natapos ang pagbake ng muffins at balak kong ipahatid ito kina Vienne mamaya sa condo unit ni Arthur.

Pasado ala singko ng hapon ay dumating si Vienne kasama si Adie.

"Bessywap!" Masayang tawag sa akin ni Vienne at niyakap ako ng mahigpit.

"Ihh grabe naman hindi halatang masyado mo akong namiss." Yakap ko rin sakaniya.

"Duh! Hindi ah pinag titiisan na lang kita no." Natatawa niyang sagot

"Ah ganon??"

"Sige mag asaran lang kayong dalawa at tahimik lang akong uupo sa may sala. Huwag niyo akong alalahanin." Nakangiting sabi ni Adie

"Adie!" I smiled happily and hugged him

"Okay kana ba bubuwit?" He smiled

"Bubuwit nanaman? Hindi ako bata hoy!"

"Just kidding. I hope you're more than okay now."

"Oo naman okay ako. Pasensya kana ulit sa nangyari nung nakaraan---

"You don't have to apologize wala kang kasalanan. Ang mahalaga ay mas okay kana. Yun lang ang importante para sa akin." Sagot niya

"Okay nga ako ... kayo talaga."

"Siyempre naman Adie okay na yang si Bessy at nakita na niya ako hindi ba bessy?" She smiled with twinkling eyes

"Sige na bessy!  Hay nako umupo na nga kayo at pumili ng movie na papanuorin natin. I'll just prepare our food."

"Tutulungan na kita Celes." pag offer naman ni Adie

"Huwag na. It's fine I can manage.
Go and feel at home." I smiled at marahan siyang tumango bago bumalik sa kinauupuan.

Mabilis kong nilabas ang mga take out food na inorder nila. Nag order sina Vienne ng pizza,cheesy bacon fries, Buffalo flavored and honey glazed flavored chickens at Soda.
Nilabas ko na rin ang na bake kong muffins at cinnamon rolls.

"Nga pala Vienne, hindi ba susunod dito si Jroa?" Tanong ni Adie habang nag hahanap ng papanuoring movie sa netflix.

"Ah? Hindi siguro e magdamag ata siyang nandoon sa recording company nila kasama sina Arthur. Alam ko nag kayayaan pa silang uminom to celebrate." Sagot ni Vienne habang nag iiscroll ng kung ano ano sa kaniyang Cellphone.

Nagka yayaan pala silang mag inuman at magcelebrate bakit hindi man lang ako sinabihan ni Arthur?

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon