🅣🅦🅔🅝🅣🅨 🅢🅘🅧
Adie's Pov
"Anong order mo Celes?" masaya kong tanong
Mabuti na lang at nagkita kami ulit.
I tried asking her out for a coffee date but she politely declined. Which made me more interested on her. Hindi naman sa pagmamayabang pero halos lahat ng nakilala kong mga babae ay hindi ako tinanggihan kahit sa mabilisang date o quickie man iyan.
Plus pogi points para sa akin na isa din ako sa mga kilalang singers sa panahon ngayon.
Which makes me a more interesting man to women. When I first saw Celestine I was blown away with her natural beauty.
I never saw her wear any heavy make up.
Napaka simple at natural niyang tignan pero napaka ganda niya. Lalo na yung suot niya nung birthday party ni Vienne. She's elegantly hot.
I love her curves and skin complexion.
Plus she is a known pastry chef and owner of a Cake and Coffee shop. Kung ako ang tatanungin she is a complete package. Kaya mas lumalalim ang interes ko sakaniya at mas gusto ko siyang makilala. Hindi dahil sa idadagdag ko siya sa listahan ko ng mga babaeng natikman ko kundi para maging seryosong karelasyon."Uhm I'll have a Blueberry cheesecake and a Caramel Macchiato please." nakangiti niyang sabi sa waiter.
"I'll have a Cheesecake and a Coffee Americano. Thank you po." Sagot ko naman sa waiter
"Madalas ka ba dito?" tanong ni Celes
"Oo lalo na kapag hindi ako busy sa trabaho.
I love coffee and sweets too." sagot ko"Ako din. kaya nga pinangarap kong maging pastry chef at pinag aralan ko din paano gumawa ng iba ibang klase ng coffee at mga tea."
"So Barista ka din pala?" I asked getting more curious about her.
"Yeah... I had a certificate of Basic Barista training too. masasabi ko naman na masarap ako magtimpla ng mga kape at tea." sagot niya
"At kailan ko kaya matitikman ang pinagyayabang mong mga kape at ibang cakes na yan?" pang iinis ko sakaniya
"Well...kapag nakabalik nalang ulit ako ng Manila...Next month babalik ako.
kailangan ko na kasing umuwi ng Pampanga bukas ng umaga." paliwanag niya"I thought two weeks ang bakasyon mo dito? nasabi nina Vienne sa amin last time." tanong ko
"Oo actually two weeks akong naka leave sa trabaho kaso may urgent meetings ako na kailangang attendan bukas para sa future branch namin ni Vienne ng Cakes and Coffees dito sa Maynila." Masayang ibinalita niya
"Really? Wow! Congratulations at tuloy na tuloy na ang pagiging business partner ninyo ni Vienne." Masaya kong sagot sakaniya
"Thanks Adie. Bestfriends and Business partners na kami soon kaya mas lalo akong na eexcite." Nakangiti niyang sagot
"Mas gumaganda ka kapag nakangiti ka Celes." Bigla kong sabi
"Adie I told you stop all that. Hindi tatalab sa akin mga iyan." Sagot niya
"I'm serious okay? And its a compliment. So relax ka lang at hindi pa kita nililigawan." Natatawa kong sagot at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Joke lang nga Celes. Masyado ka namang seryoso diyan." Sagot ko
Maya maya lang ay dumating na ang inorder namin at masaya pa din kaming nag uusap habang kumakain.
Napaka gaan ng pakiramdam ko habang kausap siya. Masaya lang siya habang kinukuwento ang kabataan nila ni Vienne.
Pero kung ibang babae lang ang kaharap ko ay paniguradong nagpapakita na ng motibo sa akin para samahan kong mag hotel. Yung ibang babaeng nakilala ko halos lumuwa na ang dibdib sa ikli at revealing ng suot nila. Pero iba si Celes...
She's wearing a plain pink shirt na tinernuhan ng high waist na mid thigh shorts. Sakto lang ang haba nito sa mapuputi niyang legs. Napaka simple lang niyang manamit at mag make up.
Pero napansin kong hindi tumatalab sakaniya ang mga pag papa cute ko kaya medyo nadismaya ako."Can I ask you something Celes?"
"Sure ... Ano yun?"
"Are you dating anyone right now?" I asked
"Nope...I'm not dating anyone right now." Sagot niya
"So puwede pala kitang ligawan?" I asked smiling
"I told you Adie stop with those--"
"I'm serious." Sagot ko
Nung una ay natatawa siyang umiling iling pa sa sinabi ko pero napagtanto niyang seryoso akong nakatitig sakaniya.
"Look Adie ... I have to be honest with you okay? Hopefully hindi ka ma offend."
"I won't."
"I have my reasons why I can't go out with you ... I know that serious relationship isn't your thing at pangalawa mas bata ka sa akin okay?
I'm already 25 and you're only 20." Paliwanag niya"I have to be honest to you too Celes,
Oo mahilig ako sa mga flings pero noon yun .... Not until the moment I laid my eyes on you ... I really like you ... I really got attracted to you kahit nung unang araw na nagkakilala tayo at alam ko medyo malaki ang agwat ng age natin pero If you'll just give me a chance to prove to you that my age or my past won't even matter. Papatunayan ko saiyo na hindi big deal lahat ng iyon."
Seryoso kong sinabi sakaniya"I can't Adie...I'm sorry pero---"
"Pero ano? May nagugustuhan ka na bang iba Celes?" I asked
Hindi na siya nakasagot sa tanong ko.
Alam ko at ramdam ko na may ibang rason din siya kung bakit nirereject niya ang feelings ko ngayon."Oo ... May iba na akong nagugustuhan." Mahina niyang sagot
"Si Arthur ba iyong taong iyon?" Marahan kong tanong at kusa siyang tumango...
Damn! I knew it. Nakita ko kung paano sila magkatinginan nung birthday party ni Vienne at kung gaano din na attract si Arthur sa kaniya... Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa nalaman ...
Gustong gusto ko sana talagang ligawan at mapasakin si Celes pero kaibigan ko si Arthur ..."I get it now. Thanks for your honesty Celes." Sagot ko
"I'm sorry Adie ... Hindi ko din alam na may pagtingin ka sa akin ... Sorry."
"Wala kang kasalanan okay? Isang beses palang tayong nagkita at saglit lang tayo nagkasama kaya alam kong nabigla ka din sa pag amin ko." Sagot ko
"Marami namang iba diyan Adie... Sa guwapo mong iyan maraming magkakagusto saiyo. Huwag mo nalang paglalaruan ang damdamin nila." Sagot niya
"No...Ayaw ko ng iba." I simply answered
"What do you mean?" Gulat niyang tanong
"I respect your decision and feelings for Arthur ... Alam ko at batid ko na gusto ka din ni Arthur kaya nirerespeto ko ang magiging desisyon ninyo sa future ...
Pero mahalaga ka na din sa akin Celes ...
Mahirap makahanap ng tatapat saiyo.
My feelings for you won't fade in an instant ... I'll stay with you kahit na hanggang pagkakaibigan lang."
Seryoso kong sabi"But Adie---"
"Just let me be okay? Okay lang ako.
You are not obligated to love me back.
Choose your own happiness Celes...
You and Arthur deserve each other." Sagot ko sakaniya"Thank you Adie." Sagot niya sa akin at nginitian ko siya to reassure her that everything is okay between us.
I confessed my feelings and I got rejected.
Alam ko na sa umpisa pa lamang ay mayroon nang espesyal na pagtingin sila sa isa't isa. I hope na hindi palalagpasin ni Arthur ang chance na ito para mahalin si Celes. They deserve to be happy...Pero siguraduhin lang ni Arthur na hindi siya papalpak at hindi niya sasaktan si Celes dahil may kalalagyan siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.