XVI - Lost in thoughts

2 0 0
                                    


🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🆂🅸🆇🆃🅴🅴🅽

Arthur's POV

Today is Sunday ... Huling araw ng rest day ko. Kahit may hang over ay naisipan kong gumising ng maaga para pumunta ng gym. Niyaya kong mag gym sina Zack at Adie pero pare parehas kaming may mga hang over sa dami ng nainom namin kagabi kaya hindi sila makakasama sa akin.

Pagkatapos kong mag gym ay naisipan kong mag grocery sa isang supermarket. Marami na din pala akong kulang na gamit sa Condo unit ko. Kailangan ko nang mag stock ng mga pagkain lalo na ito lang ang araw na makakapamili ako.

I'm wearing a basic black tshirt and pants.
Sinamahan ko ng Black cap at facemask para hindi ako makilala ng ibang namimili sa supermarket. Kailangan ko pa din mag ingat at ayaw kong sundan ako ng mga fans ko o ng mga makakakilala sa akin.

Habang namimili ay naisip ko si Celestine. Sa pagkaka alam ko kasi ay ngayong araw siya mamimili ng baking products na gagamitin niya para sa rush order ni Janine. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Vienne na makuha ang contact number niya.

I can't help but grin like a boy while dialing her number.

Hi this is Celes! Sorry but I can't talk right now please leave your message after a beep.

God! I miss her sweet voice!

I tried dialing her phone number again pero dumidiretso lang sa voice message.
Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko.

Naisipan kong tignan ang instagram account ni Vienne at nagbabakasakali na may tagged photo si Celes sa account niya.
After scrolling for 15 seconds ay may nakita akong photo nila na magkayakap at nakangiti. I instantly looked at the caption.

"My bessy forever" at nakatag si Celes sa photo na iyon. Kaagad akong napangiti at kaagad na tinignan ang profile at account niya. Wow! Ang dami din niyang followers almost 100k na din ang followers niya sa instagram. Siguro nga ay sikat sa probinsya nila ang shop niya... Hindi lang siguro sa probinsya nila... Kaagad kong nakita na puro gawa niyang cakes ang nakapost sa account niya... I have to admit all of the cakes looks so expensive and mouth watering...
I watched her video too na nag piprepare ng isang Vanilla latte... She looks focused on making a latte.. I love it when she looks serious and happy... I love all of her facial expressions ...
I miss her already..

Naisipan kong i follow siya sa instagram since marami naman akong finafollow na mga kaibigan at mga kasama sa music industry sa instagram... It wouldn't be too obvious... Hindi naman siguro mahahalata ng mga followers ko iyon.
Ang importante lang sa akin ay makita ko lagi ang photos niya at stories niya na dadaan sa instagram account ko.
Pero napansin ko na hindi siya naka online sa ngayon kaya mas pinili ko nalang tapusin ang pamimili para makauwi nang mas maaga.




----
CELESTINE'S POV

Pagkatapos ng mahaba at madramang pag uusap namin ni Vienne ay mas pinili kong matulog ulit. Gumising ulit ako ng alas dos ng tanghali. doon kona naisipan na maligo at mamili ng mga kakailanganin kong ingredients sa pag gawa at pag bake ng cake.

Pasado alas tres ng hapon nang makarating ako sa supermarket.
Mabilis ko din natapos ang pamimili dahil nakalista naman ang mga bibilhin ko para sa araw na ito.

Bago umuwi sa condo unit ni Vienne ay nag drive thru muna ako sa Burger king para magtake out ng pagkain. Bumili ako ng Isang 4 cheese whopper na may nuggets at fries na kasama.
Unti unti na umaaliwalas ang mood ko dahil na din siguro sa nakakain na ako ng cravings ko. Aminado ako na malakas akong kumain lalo na ng matatamis.
Buti nalang at marunong akong mag maintain din ng figure ng katawan ko.
I was happily singing and vibing with the music while driving and munching my burger.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon