LVIII- 1ST

1 0 0
                                    

"HAPPY FIRST ANNIVERSARY MAHAL.
I MISS YOU AND I'LL SEE YOU TONIGHT."

- Arthur

Iyan ang mensahe na nakalagay sa note ng isang bouquet ng sunflower na may kasamang balloons at isang regalo.

Saktong alas dose ng matanggap ko ang regalo na inihatid sa aking condo unit.

Nakangiti ako habang binubuksan ang regalo na ipinadala niya.

He sent me a picture frame with customized photos of Us.

Our selfies together since the first month of our relationship until now.

Did he really compiled all of this photos?

Hindi mawala ang ngiti ko habang tinititigan lahat ng mga litrato namin na magkasama.

"Bessy ano iyan?" curious na tanong ni Vienne habang nang makalabas ng kuwarto ko.

"Pinadala ni Arthur Bessy..look." nakangiti kong sabi sakaniya at ipinakita ang ipinadala ni Arthur.

"Awww ang sweet naman pala ni Pagsamo at may pagbawi ahhhh!" tili niyang sagot

"Pero bakit kaya hindi niya pa rin ako tinatawagan since last week? since nag away kami?" tanong ko

"Ayan ka nanaman. negatron kananaman!
Malay mo may pinaplano pala para sa araw na ito? ayan na nga o may ipinadala nang regalo saktong 12am pa talaga ha?
Ma effort din yang si Arthur Nery." sagot niya

"Kunsabagay Bessy... Baka nga may plano siya para sa araw na ito." sagot ko

"E ikaw ba handa na mga regalo mo? Ready kana ba? Nako magpaganda ka ha? Gawin ninyong espesyal ang araw na ito! Huwag na huwag kayong mag aaway parang awa niyo na." sagot ni Vienne

"Wala naman akong balak na awayin siya bessy. Tiyaka okay na ako. hindi na ako galit. Hinihintay ko nalang na magkita kami." sagot ko habang inaamoy amoy ang mga sunflowers na ipinadala niya.

"Siya nga pala bessy ko, Hindi kita masasamahan sa 11am meeting natin with Mr. and Mrs. Cariño ha? may biglaang photoshoot ako. hindi ko mahindian e." sabi niya

"H-ha? Mabilis lang ba iyong meeting? alam mo naman bessy na Araw namin ni Arthur today.
baka bigla niya ako sunduin e." sagot ko

"Mabilis lang yun bessy. Pipili lang sila ng flavor ng cake at pipili lang sila ng ipapagawang pastries para sa debut ng unica hija nila.
Malaki ang ibabayad nila. sayang naman iyon hindi ba at bumabawi palang ulit ang cakes and coffees." paliwanag niya

"Hindi ba ikaw ang kausap nila? kailangan samahan mo ako at mas kilala ka nila kaysa sa akin." sagot ko

"Ikaw naman ang owner ng Cakes and Coffees at business partner mo lang ako. Huwag ka kabahan ... Malaking kliyente ang mga Cariño kaya huwag mong sayangin bessy." sagot niya

"Hays sige na nga! Saktong 11am ba?" tanong ko

"Oo bessy. Halika matulog na tayo? kailangan mo ng mahabang beauty rest para mamaya." pagyaya niya sa akin.

"Teka lang. imemessage ko muna si Arthur na nareceive kona ang regalo niya." sagot ko

"Sige na nga bessy. take your time." pahikab niyang sagot na halatang inaantok na siya.

mabilis kong nilabas ang cellphone ko para picturan ang mga ipinadala niyang regalo at mabilis na isinend sakaniya.

"HAPPY FIRST ANNIVERSARY TOO MAHAL.
THANK YOU SA MGA NAPAKA GANDANG REGALO. I CAN'T WAIT TO SEE YOU TONIGHT."

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon