LVIV - Sweet Escape

0 0 0
                                    

ARTHUR'S POV

"Uhm Vienne? sigurado kaba dito? bakit kinailangan mo pang bigyan ng pampatulog si Celes?" tanong ko sakaniya

"Alam mo Arthur kilalang kilala ko iyang si Celestine. mahirap i surpresa ang babaeng iyan.
makakatunog agad siya kapag may binabalak ka para sakaniya. maiispoil lahat ng pinlano mo gusto mo ba iyon?" tanong niya sakin habang naka akbay si Jroa sakaniya.

"Hmm okay sabi mo e. just make sure na hindi siya magagalit sa atin dahil sa ginawa natin na ito." sabi ko at pinagmasdan ulit ang natutulog na si Celes na nakasandal sa balikat ko.

"Ako bahala Art, enjoyin mo nalang ang napaka ganda mong view diyan." nakangiting sagot niya

"Vienne,Jroa brother...Thank you ha?" sagot ko

"Basta para sainyo brother!" sagot naman ni Jroa

Masuyo kong hinaplos ang pisngi ni Celes.
She sleeps peacefully...She's so beautiful...

Nakasakay kami ngayon sa isang private plane patungo sa lugar na napaka espesyal sa akin.

Lahat ng ito ay planado namin nina Jroa at Vienne.

Mabuti nalang at nandiyan sila para tulungan ako sa surpresa ko na ito kay Celes.

Sana ay magustuhan niya ang mga plano ko para sa First anniversary namin.

-----

PSSST! BESSY!

"Hmmm"

Pssstttttt!

Nagising ako sa parang bubuyog na kanina pa nang iirita sa tenga ko.

Nakita ko si Vienne na malawak ang ngiti.

"Bessy? Anong ginagawa mo--- Teka nga!
Anong ginawa niyo sakin? Bakit si Jroa yung driver kanina? at --- Ano to? Nasaan tayo???"

Sunod sunod kong tanong sakaniya.

"Kalmahan mo lang kasi! Alam mo kung hindi kita binigyan ng pampatulog kanina for sure hindi ka namin maisasakay ng eroplano at hindi tayo makakarating dito! Kilala kita e mabili ka maka amoy kapag susurpresahin ka." Sagot niya habang nagreretouch ng kaniyang make up.

"Ha? T-teka Eroplano?! Sumakay ako ng eroplano na walang ka alam alam? At nasaan tayo? Puwede bang sagutin mo nalang ang mga tanong ko?" tanong ko ulit sakaniya

"Wala ako kailangang ipaliwanag saiyo.
basta ako sumama lang ako sa plano.
pero yung planong patulugin ka iyan lang ang plano ko. ang mabuti pa bessy mag retouch kana sa may bathroom at lalabas na tayo."
sagot niya

"Bahala ka nga! Matapos niyo akong kidnapin hindi mo man lang ako bibigyan ng explanations! hmp!" masungit kong sabi sakaniya tiyaka pumuntang bathroom.

"Ay chumachaka ka bessy kapag galit ka.
huwag kana kasi mag tantrums diyan.
Sabi mo nga araw niyo ni Arthur ngayon." sagot niya sakin habang natatawa

"E papano yung gift ko sakaniya? wala din akong mga dalang gamit....paano yan?" tanong ko

"Shhh! Dala ko lahat ng kailangan mo bessy
Mula sa regalo,cosmetics,skin care,Casual,Formal attire pati two piece at lingerie nako dala ko lahat." pagmamayabang niya

"Talaga ba bessy? halata talagang pinlano ninyo ha." sagot ko

"NEMEN! girl scout ito no!" sagot niya

"Teka! e papano yung meeting with the Cariños??? Huwag mong sabihin na---

"Siyempre chika ko lang iyon. next week pa meeting na iyon at ako ang ka meeting nga nila hindi ikaw. PEACE BESSY!" nakakaloko niyang ngiti sa akin

"Grabe naisahan mo ako doon ah!" reklamo ko

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon