IV - Trusting Destiny

2 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🅵🅾🆄🆁

She is perfect..
Napaka ganda niya..
Her eyes, pointy nose and lips..
may pagkamanipis pero mapula ang labi niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
I was left speechless..

Maya maya lang ay napatigil siya sa pagkain ng biglang napansin niya akong nakatitig sakaniya.

"Uy bakit? bat nakatulala ka diyan? gusto mo ba ng macapuno?
heto oh napakatamis."
Sagot niya

Kung alam niya lang kung ano ang gusto kong matikman.. I'm not craving for that right now..

"Its okay. may naisip lang ako." paiwas kong sagot

"Hmmm..sige basta wag ka magsisisi na hindi mo natikman ito." natatawang sagot niya

I gulped.. If she won't stop talking I'll kiss and take her right here .. right now.
Kailangan kong mag iwas ng tingin at kumalma bago kopa magawa ang lahat ng iniisip ko.
Ngayon palang ako na attract ng ganito sa isang babae.

Nagtuloy tuloy ang pag uusap namin hanggang sa hindi kona namalayan na malapit na pala kami sa babaan ng bus. Dalawang oras na pala ang nakakalipas pero parang sobrang bilis lang ng oras simula nung makausap at makasama ko siya. Gusto kong magstay at huwag nalang bumaba sa bus na to basta kasama ko siya.

Maya maya lang ay narinig ko ng nagsabi ang konduktor na nasa may babaan o terminal na kami. Nauna akong bumaba at tahimik na inabangan siyang bumaba ng bus.

"Hey san ka pala pupunta niyan? Puwede kitang isabay since susunduin ako ng kaibigan ko."
Yaya ko sakaniya

"Susunduin ako ng best friend ko eh. Siya kasi pinunta ko talaga dito sa Manila." Sagot niya

"Ah ganun ba..sayang naman."
Sagot ko

"But I still appreciate your offer.. and thank you sa libreng key chain na ito." Masaya niyang sagot

"Walang anuman." Sagot ko

"O sige na. Malapit na daw sundo ko eh. Mag iingat ka and thank you ulit." Sabi niya at naglakad na papalayo

Bigla kong naalala na hindi ko man lang pala nakuha ang pangalan niya.
Kaya mabilis akong tumakbo at hinila ang kamay niya.

"Wait..Miss?"

"Hmm? Ano yun?" Nagtatakang tanong niya

"Puwede ko bang malaman ang pangalan mo? If it isn't too much I want to get your contact number too." Pag amin ko

"Bakit?" Tanong niya

"Bakit? So we can keep in touch?"

"Hmm..Let's just keep it this way." sagot niya

What does that mean? Ayaw niya ba akong makilala o makausap ulit?

"You don't have to know my name.
And I don't have to know yours.
Gusto ko malaman kung hanggang saan tayo dadalhin ng tadhana."
Sagot niya

"Why?" hindi ko napigilang itanong sakaniya.

"Naniniwala kasi ako sa tadhana.
Alam kong may reason bakit tayo nagkatabi sa bus at nagkausap ng matagal. I have to admit that I really enjoyed your company. And Honestly.. Oo palakuwento ako o mahilig magshare ng mga details about sa akin pero sa mga ka kilala at sa mga kaibigan ko lang. Pero hindi ko din alam kung bakit napakagaan ng loob ko sayo at nagawa kong makipag usap sayo kahit hindi kita lubusang kilala o kahit hindi ko man lang nakita pa ang mukha mo." Nakangiting paliwanag niya

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon