XIX - Couple Indemand

2 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🅽🅸🅽🅴🆃🅴🅴🅽

Maaga kaming nakarating ni Arthur sa Venue.
Mabuti nalang talaga at pinag drive at sinamahan niya ako dahil wala talaga akong alam sa lugar na pinuntahan namin.

"Art, idedeliver ko lang to sa loob ha?
You can wait me here." sabi ko

"Samahan na kitang magdeliver. nandito na din naman ako eh." sagot niya

"Ha? sure ka? baka may makakilala saiyo sa loob e. baka ma chismis pa tayo alam mo naman maraming marites sa panahon ngayon." sagot ko at natawa siya sa sinabi ko

"Don't worry Celes, I know Janine's parents.
She's one of my closest friend. remember nakasama ko na siya sa isang kanta? so you don't need to worry." paliwanag niya

"Are you sure? Ayaw ko lang na makita nila tayong magkasama . Hindi naman natin hawak ang sasabihin ng mga tao. " sagot ko

"I don't care. ang importante sa akin masamahan kita. Vienne told me to keep you safe okay?" He smiled

"Oh edi sana nag apply kanalang body guard ko at hindi na singer." natatawa kong biro sakaniya.

"Ayan kananaman Celes e dinadaan mo sa biro lagi." natatawang sagot niya

"Masyado ka kasing seryoso diyan kaya nasabi kong mag apply kanalang na body guard."

"Puwedeng iba nalang applayan ko?" seryoso niyang sabi bigla at sabay titig sa akin.

"H-ha? ano naman?"

"Secret." he winked

"Loko loko ka talaga Arthur Nery! Ang mabuti pa kunin mona yung orders at pumasok na tayo. halika na!'"
Yaya ko sakaniya

Napaka ganda ng pagkaka ayos ng Venue.
Halatang pinaghandaan talaga ang araw na ito.
Limitado lang ang mga bisita na inanyayahan ni Janine. Patuloy kami naglakad ni Arthur habang hawak niya ang box ng Cake at cupcakes.
Kaagad din namin hinanap si Janine para ideliver na ang cake at cupcakes.

"Celestine? Is that you?' biglang tawag sa akin ng babaeng may katangkaran na naka orange na summer dress.

"Miss Janine? Hello! Uhm heto na pala yung inorder mong cake na may free cupcakes." I happily smiled

"Just call me Janine tingin ko hindi naman nagkakalayo edad natin." Sabi niya at inabot kona sakaniya ang Cake.

"Wow! Napaka ganda talaga ng gawa mong cake. Napaka elegante tignan mukhang mamahalin at sosyal."
sagot niya

"Thank you Janine. Masaya ako at nagustuhan mo ... Don't worry kasi kahit mukhang mamahalin yan e hindi naman ako mahal maningil e. Lalo na Fan mo ako." I smiled

"I insist ... Put your bank account number here and I'll transfer my payment now." sagot niya

I did what I was told at kaagad nga niyang sinend ang payment.

"Nako ang laki naman nito. I can't accept it." nahihiya kong sagot

"I told you I insist. isa pa pinakiusapan lang kita sa Rush order ko na ito Celestine. please accept it." She smiled sheepishly and I nod

"EHEM!" Biglang sabi ng nasa likod ko

"Oh! Arthur ikaw pala yan? Akala ko naman sino ang kasama ni Celestine na nasa likod lang niya kanina pa." natatawang sabi ni Janine

"Yeah. kanina pa ako dito pero hindi niyo na ako napansin nakakatampo naman kayo." He pouted

I wonder why he's acting like a kid.
Ang cute niya kapag naka pouty lips.
Napaka guwapo na nga niya tapos napaka cu--- Anak ng tokwa Celestine ano ano iniisip mo! Umayos ka!
Sermon ko nanaman sa utak ko.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon