LIII - Trouble

0 0 0
                                    

"Kumusta yung orders ni Mrs. Chua? Idedeliver niyo na ba?" Tanong ko kay Allie na supervisor sa Pampanga branch ng Cakes and Coffees na kausap ko sa ZOOM application sa aking laptop.

"Opo Ma'am... on the way na sina Mang Jerry para ideliver ang orders ni Mrs.Chua at okay na din po yung iba pang pastries na pinapagawa nina Mr. Santos at Ms. Jacobs." sagot niya

"Good! Good job sainyong lahat. Mas tumataas na ang bilang ng orders natin ngayong linggo at mas madami na ding nag da dine in sa branch natin diyan at sa branch natin dito sa Manila." nakangiti kong sagot sakanila

"Thank you po Ma'am Celes." masaya nilang sagot sa akin

"Hayaan ninyo guys next month papasyal ako diyan. Ililibre ko kayong lahat ng Dinner para naman makabawi ako sa inyo." sagot ko

"Nako Ma'am hindi namin tatanggihan iyan basta libre ninyo." natatawang sagot nila

"Oo naman ako bahala sainyo. Sagot ko lahat ng pagkain at alak! Kaya mag ready kayo pag uwi ko." sagot ko sakanila at halatang na excite silang lahat.

Sila sila ang kasama ko nang inumpisahan ko ang Cakes and Coffees shop ko sa aming probinsya. Ilang taon na din kaming magkakasama nina Allie,Mang Jerry,Karen at iba pang staff ko doon. Malaki ang tiwala ko sakanilang lahat ganoon din ang mga magulang ko sakanila.

Bilang owner ng shop at boss nila ay lagi ko silang kinukumusta kahit na nasa malayo ako.
Hindi nawawala ang communication naming lahat. Kahit nga nabalita ang tungkol sa nangyari sa bar na nadawit ang pangalan ko kina Arthur at Rob ay hindi nila ako hinusgahan ukol doon. Kilalang kilala na ako ng staffs ko at masaya akong binibigyan nila ako ng privacy na kailangan ko. Balang araw ay maipapakilala ko din ng pormal si Arthur sakanilang lahat.

KNOCK KNOCK KNOCK!

Biglang may kumatok sa pintuan ng aking Condo. Teka si Arthur kaya iyon? Pero hindi naman siya nagsabi na dadating siya ngayong araw...

Na excite ako at mabilis na binuksan ang pintuan at nagulat ako nang makita ko si Adie.

"Adie? Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong sakaniya

"Naisip ko lang baka gusto mong mag breakfast? " nakangiti niyang tanong habang hawak ang isang paper bag.

"Halika...Pasok ka." sagot ko sa kaniya

Inilagay niya ang dalang mga pagkain sa may dining table at saka umupo.

Mas naging malapit kami ni Adie nitong mga nakaraang buwan. Lagi ko siyang nakakausap at nakakasama lalo na kapag may group date kami.
Masayang kausap at palabiro din katulad ko si Adie kaya siguro kumportable akong kausap siya. Mas madalas din siyang bumisita sa Shop namin para doon mag almusal o kaya naman ay mag miryenda. Ka close niya ang mga staffs ko dito sa branch namin sa Manila dahil na din sa pagpapa cute niya sa mga ito.

"You want coffee?" I asked

"Yeah...thank you." sagot niya

"Mabuti at napadalaw ka Adie? wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape

"May guesting ako mamayang hapon.
Wala ako makasabay mag breakfast e kaya kita ginugulo ngayon." patawa tawa niyang sabi

"Lagi ka namang nanggugulo kahit nung nasa condo unit pa ako ni Vienne magulo kana." natatawa kong sagot sakaniya

"Alam ko naman yun. Masarap ka kasi guluhin lalo na kapag napipikon kana sakin."

"Ke aga aga pa Adie ha? parang awa mona." nakasimangot kong sabi sakaniya

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon