LXVIII - Rage

1 0 0
                                    

It's been a month ...

Isang buwan na puno ng kalungkutan,

Isang buwan na wala na si Celestine sa buhay ko.

I regretted doing the most stupidest things I did to her that day.

Flashback:

Isang malakas na suntok ang iginawad sa akin ni Adie. I know I deserve it. I know he's mad at what I did.

"Anong kagaguhan to Art??"
Itigil mo na itong kalokohan na ito!"

"Oh my god! Are you okay Arthur?" Mabilis na lumapit si AJ sa akin para tignan ang sugat sa gilid ng aking labi.

"Umuwi kana AJ." I answered

"Pero Arthur--

"Just go! We both know that nothing happened to us!"

"But you said---

"Just go! Utang na loob AJ umuwi kana." Galit kong sagot sakaniya.

"Pero Arthur kailangan mo ako ngayon---

"No, she doesn't need someone dressing like a whore trying to seduce him.
Just accept it AJ na hindi siya interesado saiyo. So shut up and go home!" Galit na sabi ni Adie sakaniya

Gulat na gulat si Aj sa sinabi ni Adie at mabilis niyang kinuha ang leather jacket at bag niya sa may upuan at tuluyang umalis.

Pumunta naman ako sa fridge ko habang naghahanap ng yelo na puwedeng ilagay sa medyo namamaga kong labi.

"You f*cking deserve that." Sabi ni Adie at tahimik lang ako habang hinihintay siyang magsalita.

"Why would you lie to her?
Alam kong hindi mo papatulan yong si AJ pero bakit sinabi mong nagloko ka?
I don't understand why you have the nerve to lie and hurt her." Galit na tanong niya sa akin.

"You wouldn't understand." I answered back

"Talagang hindi kita maiintindihan kung hindi ka magsasabi. Anong nangyari? Anong nangyayari sayo Arthur?"

"Eto lang yung naiisip kong paraan para matapos na ang pagdurusa niya sa pagpili niya sa akin." Iyon lamang ang nasabi ko

"Wow! So you chose to hurt her because you want to let go of her ganoon ba?" He asked angrily.

I just kept my mouth shut and let him release his anger.

"Ano Arthur? Ganoon nalang kadali sayong bitawan siya? Akala ko ba mahal na mahal mo siya? Akala ko ba pakakasalan mo siya? Sumagot ka nga!"

"I don't need to explain myself to you Adie. Hindi ba't pabor pa nga saiyo itong nangyari? Hindi ba't hindi naman nawala ang nararamdaman mo para sakaniya? O ayan! You can f*cking have her!"

Hindi ko inaasahang susuntukin ako ulit ni Adie at halos matumba na ako sa pagsuntok niya sa akin.

"Hoy ano ba yang ginagawa niyo???"
Biglang pumasok sina Zak at Jroa at pilit na inaawat ni Jroa si Adie habang ako naman ang hinawakan ni Zak.

"Magkakaibigan tayo huwag niyo namang idaan sa ganito." Sabi ni Zak

"Wala akong kaibigang gago katulad niyan." Galit na sambit ni Adie

"You don't understand what I'm going through! Hindi mo alam kung gaano kabigat sa akin ito!" Pasigaw kong sagot sakaniya

"At wala ka ring alam sa pinag dadaanan ngayon ni Celes! Dinagdagan mopa ang sakit na nararamdaman niya!" Sagot niya sa akin habang pilit na lumalapit para suntukin ako ulit.

"Teka ano ba yang sinasabi mo kasi Adie ha?" Tanong ni Zak

"Alam mo ba Arthur kung bakit bigla kaming sumulpot dito sa Condo unit mo? Kung bakit biglaan kaming pumunta dito habang kasama mo si AJ?"

Seryoso akong nakatingin sakaniya habang hinihintay siyang tapusin ang kaniyang sasabihin.

"Pumunta kami dito kasi sabi ni Celes kailangang kailangan ka niya. Na hindi na niya kinakaya pa. Na kailangan ka niyang makita para makaya niya pa ang lahat...

"W-what are you talking about?" I asked

"Wala na ang Papa ni Celes, namatay siya ngayong araw." He answered

Nabigla ako sa nalaman ko.
Napaupo ako habang pilit na inaayos ang sarili sa nabalitaan.

"No... Tell me you're lying." I whispered

"Kung alam mo lang Arthur, kung gaano kabigat sakaniya ito." Sagot ni Adie

She's hurting inside and I f*cking hurt her.
What have I done?

Nanatili akong nakaupo sa sahig at pigil na pinipigilan ang pag iyak . What have I done?

"Adie, hinihintay ka nila sa parking lot. Samahan mo sila, be with them, be with Celestine." Mahinang sabi ni Jroa

"I know." Sagot ni Adie at akmang lalabas na ng pintuan nang bigla siyang nagsalita.

"Arthur."

Dahan dahan akong tumingin sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil sa nalaman ko.

"Ilang beses na akong nagpaubaya...
You promised me you'll make her happy. But you broke your promise."

"This time, Hindi na ako magpapaubaya."
Nanlilisik na mga tingin niyang sabi sa akin bago tuluyang umalis.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon