Umagang-umaga, ikinabigla ni Viceral nang iluwa ng kanyang pinto si Coleen ...ng lumuluha.
"Oh, Jusko, Bakit? Anyari sayo? Sinasabi na nga ba, tsk tsk tsk! Pinaiyak ka ng g*gong 'yon?"
Walang sali-salitang umiling ngunit mas lalong napaiyak si Coleen sa mga bisig ng kaibigan. "Mommy..." patuloy ang paghagulgol ni Coleen kaya't wala nang nagawa pa si Vice kundi papasukin na ito't iupo sa sala nila.
—
"Karylle..."
Agad-agad bumaba ng hagdan si Karylle at tinugon ang tumatawag na kapatid.
Pagkakitang-pagkakita kay Karylle na nakasilip at nakatukod ang dalawang siko sa pasimano ng hagdan galing second floor ng bahay nila, Inosenteng nagtanong si Karylle. "Oras ka umuwi?"
Nagtanggal siya ng isang earbud at walang kiyeme kahit pa naka-sports bra lang siya at jogging pants, May towel din siyang hawak na ipinupunas sa gilid ng noo at leeg niya.
"Halos ngayon lang. tsaka aalis ulit ako. Will you run me some errands?" prenteng tanong ni Kuya.
"Sure, as long as it's outdoor stuff, it's fine." Dahil kagagaling lang din naman sa treadmill, game na game na pajogging niyang nilapitan si Billy.
Nag-abot ng listahan si Billy kay Karylle at more than willing naman si Karylle na simulan na agad ang paggo-grocery. Maliban sa huling experience niya na di kagandahan ilang buwan na ang nakararaan, maraming paggo-grocery naman siyang normal ang kinalabasan. Kung tutuusin, waring di na nga niya naaalala yun.
"Pasensya na, may gig ako buong araw ngayon eh. Pwede na bang ikaw na rin ang mamalengke?"
"Wait... you mean the veggies?" alangang wika ni Karylle habang papunta na sana sa kwarto para magbihis.
"Meron naman na sa supermarket niyan. Oh, ito pera." Ani Billy nang dumudukot na ng pitaka sa bulsa.
"No... Kuya. Keep it. Ako na bahala. I can manage. Balut-balot naman na sa supermarket eh. Right?"
"Pero mamili ka pa rin. Kaya nga sa palengke ako namimili ng maagang madaling-araw kasi dun magaganda eh. Nakakapili ka pa."
Karylle blew excess hair off her face and faced Billy with a grin again. "There's nothing to worry about, Kuya. Go and have fun." She said with a sincere smile.
"Ganda yata ng gising mo ngayon?" natutuwang sabi ng kuya niya sa kanya.
Agad namang bumalik sa kusina si Karylle at pumwesto sa likod ng kuya niya. Minasahe niya ang mga balikat nito, "Talagang maganda, kuya."
Sunod niyang ginawang tambol ang likod ni Billy't minasahe ng parang nagkakarate.
"Oy, kung lalaki yan, ipakilala mo muna sakin bago ka magpakasaya ha?"
Hindi nakapagreact ang kapatid kaya't humarap si Billy dito. Isang naka-pout na Karylle naman ang kanyang tinambaran.
"Lalaki yan?"
"You're such a pain, Kuya! I told you I'm not seeing boys anytime, anywhere!"
"Eh ano 'to?" hinain ni Billy ang mga chocolates at regalo na nakita sa gate nila kagabi. Yung mga bulaklak, medyo nalanta na. "Kanino galing yang mga yan?"
"Ako ang magtatanong niyan, Kuya. Akala ko, para kay Coleen yan."
"So nakita mo na din pala?"
"Nung kumuha ako ng tubig, kaninang madaling-araw... mga 4:00 ata yun. Kala ko brineak ka na nung Coleen. Hahahaha!"
