Nakasanayan na na overnight sina Jass kina Karylle kapag Saturday night kasi tumutulong sila sa bahay hanggang Linggo ng hapon. Pagsapit ng 4:00PM, oras na ng uwian nila.
"Ikaw, bro. di ka pa sasabay? Tara na." cool na cool na sabi ni Sir Kean sa driver's seat.
"Syempre, di pa yan. Ngayon niya lang masosolo si Karylle eh." Makahulugang banggit ni Trixie na umani naman ng makahulugang tinginan sa kanilang tatlo.
K came out of the door, habang pinapagpag ang mga kamay para makapagpaalam na din sa mga kaibigan. "Bye!!! Say bye, Colbie." Sa paggabay ng kamay ng Tita niya ay nakapag-wave din ng Bye bye si Colbie.
"Bye, K! Bye, Baby!!"
"Ikaw, Vice?" alok muli ni Sir Kean. Nang tapos na panggigilan ni Emmy ang sanggol ay binalik na niya ito kay Vice bago pa tuluyan nang isara ang front passenger's seat.
Sasagot na sana si Vice nang maramdaman niyang humawak sa damit niya si Karylle at nakita niyang pinagpunasan pala siya ng basang kamay nito. "Don't worry, tubig lang yan." Masayang sabi ni K sabay kuha kay Colbie from Vice.
"Ano? Tara na!" imbita naman ni Trixie.
"Di pa uuwi si Vice. May gagawin pa kami." Ani K na pinapag-wave pa din ng bye bye si Colbie sa mga tita niya. "Say bye, say bye!"
"YIEEEEEEEEEE!"
"Kayo ah, K ah. Hoy Vice. Front lang ba yang pagbabakla mo?" taklesang tanong ni Trixie.
He looked at her friend like asking Are you serious?
"Tara na nga." –Sir Kean.
"Bye bye, K!" –Trixie.
Bumukas ang pinto sa likuran at iniluwa nito si Jass na agad yumakap kay Karylle. Kinuha na muna ulit ni Vice si Colbie.
"Oh. Why?" tanong ni K sa nakayakap na kaibigan.
"Ikaw bakla ka, umayos ka ah." Dinuro nito sa mukha si Vice na siya namang bahagyang kinainis ng huli. Kahapon pa silang mga wirdo.
"K. Take care of yourself, OK? And you, boy. Behave." Mala-tiyahing bilin ni Emmy bilang pamamaalam. "Tutuktukan na kitang babae ka eh. Ikaw pala 'tong nag-iiwan ng susi sa lupa. That's so stupid."
Yumuko na lang si K, at tumingin kay Vice. Kay Colbie nakatingin ang bakla. Nakaramdam naman agad ito't tiningnan pabalik si K. Walang kadahi-dahilan, kinurot siya sa tagiliran ni Karylle at ewan din pero natawa na lang siya't pinahid ang basang kamay ni Colbie sa mukha ng tita niya.
"Ach!" di makapaniwalang pagnganga ni Karylle at hinampas ang braso ni Vice.
Kasunod nito ang pagbulong ni Jass sa tenga ni Karylle, "May gusto ka sa kanya, may gusto siya sa'yo, o kayo na?"
"What?!! Hahaha! What's wrong with you, guys?" natatawang sabi ni Karylle bago kumalas si Jass sa pagkakayakap sa kanya't humarap na papunta sa van nina Sir Kean.
"Stay whole, K. Stay pure." Jass kissed K on her temples goodbye at tiningnan ulit ng may mapangkilatis na mata si Viceral.
"May problema ka kay Vice, Jass?"
Jass rolled her eyes and rode the van.
"Bye!"
"Bye!!" sumara na ang pinto ng van.
