Coleen scans through Twitter at hanggang ngayon, hindi pa rin mapakali sa mga negative comments na lumalabas tungkol sa kanya.
Kit Pandi @gluePaste101
Kung di siya buntis, bat siya nagtatago? Oh come on, @coleen_garcia. Prove us you're not a sl*t!
Kitty @erika062
Stop bullying @coleen_garcia, @gluePaste101 ! Gawin mo na lang trabaho mo, magpakamagnet ka sa Billy Crawford mo, baka magka-future kayo.
Kit Pandi @gluePaste101
She's a social climber, @erika062. Patethic how you keep idolizing someone na hindi mo naman gaanong kilala.
Kitty @erika062
At wow! Pandikit! O. Wala akong tinag ah. Pag may nagreact, stalker ko. WTF! Hahaha! Manlalait na lang di pa muna unahin yung sarili. #Pathetic
Kit Pandi @gluePaste101
What do u xpect? So bad like his fan.
Kit Pandi @gluePaste101
What do u xpect? So bad like her fan. #Sorry! #Typo
Sally See @itsMeSally
What's the issue? Come on. Billy can't go out with just a girl like that! We all know he's secretly dating Mickey.
Carissa Choi @BillyLovesMe
@itsMeSally Agreeee! <3 <3 <3
Sally See @itsMeSally
I ship BiCkey. Hahahah!
Four people favourited this tweet.
"Tigilan mo na nga yan." Isang kamay ang humarang sa tablet ni Coleen at kasunod nito ay nahablot na itong tuluyan mula sa kanya. Naalala niya kanina sa Youtube. Yung bagong labas na commercial niya ang nasa video ngunit puro personal niya ring pagkatao ang inungkat ng mga nanonood dun. May magtanggol man, kakaunti lang.
"Bakit ganun sila, Bes?" she cried.
"In the first place, kung hindi sila interesado sa'yo, dapat di ka na nila pinanood. Mamimintas sa commercial, bakit? Nakita ka na nga nila sa TV, pupuntahan ka pa sa Youtube para lang laitin, diba dapat nga matuwa ka pa? Nag-e-effort sila!" wika ni Vice sa tonong sarkastiko ngunit alam mong nasa side ni Coleen. May maikling tawa pa itong isinunod sa pagkakasabi.
Gayunpaman, lalo lang napasimangot si Coleen. "How bad am I to deserve all this?"
"Eh Ant***a mo din kasi. Alam mo nang puro ganun yung makikita mo, o-online online ka pa, ano magagawa mo, madaming walang magawa sa mundo? Walang ibang inatupag kundi manira. Kita mo 'tong isa," Natatawa niyang sabi. "Ni hindi pa alam kelan 'his', kelan 'her'. Pustahan tayo, sampung beses niya binasa yan bago ma-realize at magtweet ng bago bago i-delete yung isa niya."
Coleen smiled. "Buti naman kakampi kita this time."
"Aba, Coleen. Ako kumakampi sa'yo, nagsasabi lang ako ng dapat marinig mo. Una sa lahat, inumpisahan mo na ng mali, dapat di mo na sundan. Andyan na yan, ano, stressin mo pa sarili mo dahil lang sa mga asungot na 'yan? Matuto ka naman magdecide ng sarili mo, Coleen! Nakapagdesisyon ka nga sa sarili mo kaya ka ganyan ngayon eh. Ayusin mo naman!"
