Gawa ng nangyari nung huli nilang pagtatagpo ay tila nagpataasan naman ng pride ang dalawa dahil bukod sa hindi dinala ni Karylle sa salon ang pamangkin niya, hindi din naman pumunta si Vice sa opisina para i-check bakit di naihatid sa kanila ang bata. Kapwa rin patingin-tingin sa mga cellphone na parang may inaabangang tumawag o magtext... pero pareho silang bigo sa mga inaabangan nila. Pikon pa rin si Vice... at halu-halong emosyon naman ang kay Karylle.
Gayunpaman, kapansin-pansin ang pagbreakdown ng katawan ni Karylle sa dalawa pang magkasunod na araw na sumagad siya ng OT at kahit napangiti ito sa pagkakakita ng pay slip niya ay kita pa rin ang putla ng dalaga. Nang pasimpleng yumakap sa kanya si Jass na parang regular na batian lang, dun na niya napansin na medyo mainit si Karylle.
"Huy, K. may sakit ka ah! Di ka pa ba uuwi? Yung anak mo bored na bored na dito buong araw simula pa kahapon. Pasalamat ka, nagseminar si Ma'am Luz. Paano na. Ano bang nangyayari, ha? Bakit ka sumasagad this week?"
"Wala 'to. OK nga lang ako. Ang kukulit." Nangiti si Karylle at nagwave na sa kanila bilang paalam.
"K, if you have a problem, you can always tell us, alright?" saad ni Sir Kean.
Si Emmy, tahimik lang na pinagmamatyagan si Karylle. Kadarating niya lang mula sa department niya sa higher floor kaya't nasa pinto lang siya't nakamasid.
"I'm fine." walang-iping pagngiti ni Karylle.
Nagpaalam na ang lahat pero naistorbo pa rin sa ginagawa si Karylle nang may makitang kamay na dumapo sa gilid ng keyboard niya.
"If you don't want to go home, then at least, take your meds. Where's that androgynous gay, di ba kayo inaalagaan?"
Ngiti't iling lamang ang isinagot ni Karylle. "Bakit ba pag di ako OK, laging siya agad? Hahaha! Wag nga kayo." Sinsero siyang nangiti sa kaibigan at magiliw na itinabi ang bagong lapag na mga gamot sa keyboard niya. "Nag-abala ka pa."
"Just take it."
"Thank you!"
Isang simangot lamang ang iginawad ng kaibigan ni Karylle. "Sure you don't need us to stay?"
"I can manage. Thank you." Ngunit ngiti pa rin ng ngiti kay Emmy si K.
"K..."
"Bye! Ingat." Pilit na masiglang pagbati ni K kasabay ng pagkaway para paalisin na ang kaibigan.
Napabuntong-hininga na lamang si Emmy. "Ikaw din."
////
It was late morning when Jass and the gang arrived at K's house and as usual, target pa rin talaga ng cockatoo si Jassmine sa dahilang hindi mo malaman-laman. "KARYYYYYLLE! Magnanakaw, magnanakaw!"
"KARYYYYYYLLE! Magnanakaw, magnanakaw!"
"Lelechunin talaga kitang ibon ka, bw***t ka."
Natawa naman sina Emmy dito.
"Patulan daw ba yung ibon, Jas?" komento ni Karylle na naka-sweater nang sumalubong sa kanila. Impit itong napapapikit pagkasalitang-pagkasalita.
"Huy, ok ka lang?"
