May mga pagkakataon na buong bahay ang nabubulahaw pag nagigising ng hatinggabi o madaling-araw si Colbie. Hindi naman na tinatawag si Karylle ng mag-asawa para patulungin pa. Pero pag umaga, pinapabuntot siya ni Billy kay Coleen para matutong mag-alaga kay Colbie.
"Pag umaga, papaarawan mo siya ha..." Coleen says, bagong gising pa lang sila pareho ni Colbie pero halata na sa kanya ang sobrang pagkapuyat. Mag-aapat na buwan pa lang ang edad ni Colbie, pero tila pang walong buwan na ang sustansyang natatanggap dahil sa sobrang lusog ng pangangatawan nito.
"Akin na, Coleen, sabi ni Kuya, wala ka pa daw tulog. Sige, ako na muna."
"Er, ganon ba? Thank you. OK lang?"
"Yeah, sure." Karylle says, with a genuine smile plastered all over her face.
Medyo nangisay ang natutulog na sanggol sa paglipat ng pagkakakarga kay Karylle. Nilipat ni Coleen ang lampin mula sa balikat niya sa balikat ni Karylle at hinaplos ang pisngi ng anak.
"Few days from now, ikaw na talaga maiiwan sa kanya... Kaya mo ba talaga? –I mean... "
"Nu ka ba, Cols. Keri ko 'to no. At isa pa, cute na cute din naman ako sa pamangkin ko. Wag ka mag-alala, ako bahala." Ani Karylle nang may sinserong ngiti.
"Sobrang dismayed talaga kami nung sinabi nung doctor na hindi pa pwede ilipad ng ganun kalayo si Colbie at marami din magiging hassle sa vaccination, records basta madami pa... Kung pwede lang talagang isa samin ang umatras kaya lang pareho na kaming may commitments. Sorry talaga, kamuntik ka pang pagresignin sa trabaho."
"Coleen naman, wag mo na ngang istressin masyado sarili mo. Lalaki eyebags mo lalo, kita mo." K smiled. "Tulog ka na. Kung di ka pa pala nagbe-breakfast, may hinanda ako dun sa kusina. Pa-serve ka na lang kay Kuya."
"Sige. Thank you talaga ah?"
Sinserong nangiti muli si Karylle.
Gutom man, dismayadong napaharap si Coleen sa mesa nang makita ang mga nakahain sa hapag.
Nakahain ang isang itlog na alanganing scrambled, alanganing sunny-side-up. Gula-gulanit na tuyo at hilaw sa pagkakalutong hotdog.
Ayaw na niyang tikman pa ang kape, baka kung ano lang malasahan niya dito.
"Dad, are you sure ok lang maiwan kay Ate Karylle si Colbie?"
Humarap si Billy mula sa pagluluto sa stove at naghain kay Coleen ng better version ng lahat ng nakahain sa mesa.
"Lighten up. You look so down. Cosmetics pa naman ang ie-endorse mo tapos haggard ka pagdating dun. Smile na Mom. Be happy." Billy caressed her chin.
"Are you saying na pumapangit na 'ko?" Coleen pouted. Tumingin siya sa isang aquarium nilang parte na ng pader na naghihiwalay sa sala at dining area. Pina-install nila ito nung mga panahong bored na bored si Coleen, hearing from the doctor na kailangan na niyang magstay na lang sa bahay. May cockatoo din sila sa garden. Again, pet pa rin ni Coleen.
Lumapit siya sa aquarium at sinubukang magsalamin dito. Wala... may ilaw kasi... kaya hindi niya din makita sarili niya. Naghanap siya ng salamin... Dinala nito ang pag-uusap ng mag-asawa hanggang sa sala.
"Babe, that's not what I meant. Ang sinasabi ko lang, alagaan mo ang sarili mo. Wag kang magpa-stress, ayokong nakikita kang ganyan." Billy says, holding both elbows of her wife as she's checking on her face sa salamin sa tabi ng pinto sa sala.
Napansin niya ngang nagkaka-eyebags na siya at medyo maputla.
"You're still as beautiful. Even more beautiful now that when I look at you, I remember how you managed to bear my child. I love you." He hugged Coleen from behind as Coleen looks at him from the mirror. He kissed her shoulder.