A/N:Hi!!! I've published this part this morning at may naka-encounter daw po ng reading error, na-cut dun sa part na "Pumasok sila ng sabay-sabay at si Karylle," ... Sibs, wherever... kung sa inyo din po na-cut, kung saang part man, ganito lang po ang gagawin: Kahit nai-republish ko na po, naka-cut pa din ee. >_<
:(
So pa-remove na lang po sa library, tapos add niyo po ulit. Yun lang, maraming salamat!
1. Remove from Library
2. Add to Library. Ganun lang.
Thank you! May Author's Note po ulit ako sa dulo so you'd know na hindi na bitin yun, pag nakita niyo yung A/N on our latter end. Thanks for reading, sibs! Kisses! 😘
Next time, maglalagay na lang din po ako ng marker sa dulo para alam.. Prob daw kasi talaga yun with long chaps. Thank you, thank you! Basa na po. 😉 😘
Dahil nainis si Mother na ngingisi-ngisi habang siya, puro reklamo ang pinagsasabi, maliit ang tip na binigay nito sa kanya.
Pero okay na rin, at least nagbigay pa din ng tip. "Salamat, Mother! Balik po ulit kayo!"
"Pasalamat ka, magaling ka."
Vice just smiled and waved.
//
Gigil na gigil mang magtext kay Karylle, ay hindi niya ito ginagawa dahil sinabi na nyang di siya makakapunta at busy siya ngayon sa salon niya. Sa tagal niyang hindi natutukan ito, mas gusto niyang dito magconcentrate. Alam naman niyang na kay Karylle ngayon ang bata. Pero hindi niya maiwasang gustuhin na puntahan ito at alagaan din.
Siya man, hindi niya maintindihan.
Busy siya sa paghot-oil ng buhok ng isa pang regular customer kaya naman hindi niya na pinansin nung may dumating pa na iba. Dalawang customer pa ang nakapila para ayusan niya. Bukod sa pagme-make up, madami-daming customers ang hindi basta-basta nagpapa-treat ng buhok kung hindi siya mismo ang gagawa.
"Galing ako dito last Thursday, wala ka."
"Ah. Busy kasi ako nun eh. Pasensya na."
"Tagal pa yung contest ah? May sinasalihan kang bago?" wika ng customer na tinagpo ang mata ni Vice sa malaking salamin. Yun nga lang, busy si Vice sa pagsusuklay at pagblower at pagpantay ng pagvi-Vcut sa buhok niya.
"Wala naman ... may inaanak kasi akong tinututukan ngayon."
"Yaya ka na din? Hahaha!"
"Sh*nga, hinde." Natatawang sabi ni Vice. "Pero parang ganun na nga. Eh. Wala namang natatangap na bayad eh. Pordalab yun." Pinatay na ni Vice ang blower. Pinahiran niya ng hair cuticle coat & hair polish ang buhok ni Ellen. Blinower niya ulit, pero mas saglit na lang this time.
"Teka nga pala, diba wala na yung bestfriend mo? Edi kung ganun, sino model mo this year sa pa-contest ni Mayora?"
"Yun pa nga isang iniisip ko." Kunot noong sabi ni Viceral. Tiningnan nito saglit si Ellen at nilahad ang buhok niya paharap para dumantay ng maayos sa dibdib ng dalaga. Lagpas lang ng kaunti sa bustline.
"Pwede ako." Nakangiting sabi ni Ellen.
"Seryoso ka?"
She giggled. "Oo naman! Hahaha! Ikaw lang naman inaantay ko eh. Kung kelan mo ko balak i-invite. Eh ang kaso, hangga't nandiyan si Coleen, mukhang wala namang pag-asa yun mangyari."