"Buti naman naisipan mo pang umuwi."
Tiningnan ni K ang pinanggagalingan ng boses at nagulat siyang si Vice ito pero wala ang baby. "Nasan si Colee—si Colbie??"
"Hah! Nagtanong ang concerned, ha?" sarkastikong banas na wika ni Viceral.
"Pwede ba, I don't want to fight. Just give me the baby, then we're cool."
"Nandoon sa bahay, natutulog." Nakapamewang niyang sabi habang pilit na kinokompronta si K.
K went back to the car wordlessly and took her seatbelt on.
Vice held his hands up into thin air at sobrang dismayado sa inaakto ng dalaga.
Nasa kotse man, hindi naman umaandar ito. Naguluhan man si Vice, hindi na lang niya 'to pinansin at nagdesisyong umuwi sa kinaroroonan ng sanggol.
Naglalakad pa siya nang magulantang sa lakas ng busina sa likod niya ni K. "Anak ng ----"
Inon ni K ang headlights niya at tinuro ang upuan sa tabi, gesturing Vice to come with her.
Nagpatuloy sa paglalakad si Vice at di ito pinansin.
Dahan-dahang minaneho ni Karylle ang sasakyan habang sinusundan si Vice.
Bahala kang sumunod diyan. B**sit ka. Napakahirap alagaan ng pamangkin mo, bruha.
Binusinahan ulit siya ng dalawang beses ni Karylle at tiningnan niya lang ng masama ito.
"Ano bang problema mo?" K says as she opens the car door and holds it open while talking to Vice.
Di siya pinansin ng bakla't pataray lang na naglakad pauwi.
"You're one h*ll of a ---"
"Minumura mo 'ko?!" ani Vice na humarap na kay Karylle this time.
"Well yeah, at least you talked. Sumabay ka na sakin dahil ayoko ng ganitong itsurang parang ako naghahabol sa'yo."
Tinaasan lang siya ni Vice ng kilay at lihim naman itong natuwa dahil sa wakas, nakakabawi na siya ng pang-inis kay Karylle.
"Hey you!"
"Address nun, 39 Camia st. Kanella Subdivision, Taguig. Wag ka nang susunod. Pumunta ka na lang. Ano, OK na?" he says, pissed, raising a thumb up towards her.
"Why are you always so difficult?" Inis na sabi ni Karylle at sinara na ang pinto ng kotse niya para hilahing sumama si Vice.
Nanatiling matigas sa kinatatayuan ito.
"Alam mo, kung umasta ka minsan, parang danglaki-laki ng kasalanan ko sayo. To tell you frankly, It's so hard trying to stay patient when I'm with you, Vice!"
"Wow? Hah? HAHA! At sayo pa talaga nanggaling yan ah?" napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan kaya napag-isip isip na din siya kung itutuloy niya pa ba ito o papabayaan na lang si Karylle. Pero kasi yung huli niyang sinabi--
"Come on, stop acting like a kid, just hop in and take me to my niece now!"
"Pwede ba, Miss. Wag mo 'kong Englishin. Kung tingin mo ikinaangat mo yan sakin pag nag-Iingles ka, masabi-sabi ko lang sa'yo, naiintindihan kita. Nakakabuwisit ang kaartehan mo, karinde! Binigay ko na sayo address ng pinsan ko, ano pa ba gusto mo? Number?"
"Wait, you entrusted the baby to someone I don't even know??"
"Makareact 'to, ano naman tingin mo sa pinsan ko, kriminal?"
"Then you should've asked me first!"
"Bakit, asan ka ba?"
Di nakasagot si Karylle. Oo nga naman, siya yung wala.