The Problems, Before & After

1.1K 40 0
                                        


"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong ni Karylle kay Vice habang inaayos ang sariling seatbelt.

"Wala. Masama ba?" ani Vice habang karga ang dumededeng si Colbie.

"Tch."

"Ang init ng ulo mo!" banas na sabi na din ni Vice.

"Pake mo?"

"May pake ako kasi sakay kami ng sasakyang mina-maneho mo! Eto, magsi-seatbelt kung kelan nasa gitna ng kalsada, ganyan ka na ba kasanay magdrive?"

"Magaling ako mag-drive no! Tingin mo sakin, t*nga?"

"Malay ko ba? Di pa naman kita ga'no kilala."

"F*** you." She giggled.

"Alam mo, kababae mong tao, ang basura ng bibig mo!"

"Haha! Sa'yo lang, no. Hindi ako sa lahat, gan'to."

"Ah ganon? Ikaw sakang ka. Ako bantay ninyong dalawa tas ginaganyan mo 'ko? Susumbong kita sa kuya mo."

"Gawin mo, para umuwi na siya agad." Tonong inis na paghahamon ni Karylle.

"Pakadrama nito." Reklamo ni Vice mula sa likod.

"Tss." Inis na hinga ni Karylle sabay liko sa sharp curve at mas pinabilis pa ang pagpapatakbo.

"Hoy, mag-ingat ka nga! Marunong ka ba?"

"Kumpara sa'yo."

"Bw***t na 'to. Inaano ba kita?"

"Basta naiinis ako."

"Wag mo ko idamay sa init ng ulo mo, l*che ka. Idadamay mo pa 'tong anak ng kuya mo?"

"Wag kang OA, hindi naman tayo babangga!"

"Pag ikaw, di umayos, magta-taxi kami ni Colbie."

"Edi mag-taxi kayo. Mas maganda."

"Nakakarindi ka talagang babae ka!" ani Vice na hindi na naiaayos ang pagkakahawak sa chupon kaya naghahabol si Colbie.

Maya-maya pa, naiyak na ang sanggol. "Uhaaaaaa~! Uhaaaa~uhaaa~uwaaaa~!"

"Itigil mo nga 'to, bababa kami."

Agad namang itinabi ni Karylle ang sasakyan at binaba nga sila sa isang kanto. Dala din naman ni Vice ang mga gamit. Dahil wala namang susi sa bahay nina Karylle, napagdesisyunan niyang sa bahay niya na lang ito dalhin. Magkakasya naman siguro ang mga timpladong gatas hanggang maggabi't iuwi na niya ang baby kay Karylle.

---

"Oh, asan na yung bata?"

"Nandun sa Ninong niya." walang-ganang wika ng dalaga kasabay ng paglapag ng bag niya sa upuan na ni-reserve ng mga kaibigan para sa kanya.

"Ayos ah. Kala ko bawal pinapahawak sa iba yun?" –Jass

"Sh*t kasi, wala talaga ako sa mood. Anong nangyari???" iritableng wika na naman ni K.

"Eh ganito nga kasi yun. Si Ma'am Dela Paz, biglang nagpa-meeting kanina. Chineck niya yung attendance tas napansin niya wala ka."

"So? Nagpaalam ako kay Ma'am Luz ah?"

"Andami mo daw absences sa isang buwan, day." –Jass

"Sh** na yan. Ni hindi nga umabot sa apat yon. At lahat yun, na-file ko ng at least a week ahead! Ngayon?"

"Edi syempre, si Madam Superiora, yung alaga na naman niya ang ibinida. Kinumpara sayo. Tapos nag-urgent promotion sila kasi naglabor na daw si Ma'am Peralta. Ayun, officially nag-6 month leave na."

"Shucks! That's my only chance for Flexitime!" Ginulu-gulo ni K ang buhok niya sa sobrang pagkadismaya sa kinahinatnan ng ilang overtime na nabalewala diumano dahil sa absences at kung anu-anong kaek-ekan pa nung kalaban niya. "I sooo h—urgh!!!"

"Paano na yan? Pwede ba talaga maiwan sa kanya si Colbie? Kung sa Accounting ka pa din, hindi mo siya maitatambay dun, di papayag si Ma'am Luz."

"I know."

"Paano yung pamangkin mo?"

"Sh** lang talaga."

"Magre-resign ka?"

"OF COURSE NOT!" bulalas ni Karylle na dahilan para pagtinginan sila sa fastfood.

"Sorry K, wala kaming alam nina Emmy dun eh. Nalaman na lang din naming kay Jass. Sana naipagtanggol kita kay Ma'am Dela Paz." Paghingi ng paumanhin ni Carlo sa dalaga.

"Too late for that." Emmy smirked. "But we really are sorry, K."

"It's alright. Wala kayong kasalanan. Pag nagdecide yan si Ma'am Dela Paz, yun na talaga. Urrrrgh!!! Paano na ko ngayon?"

"Di mo ba makakausap yung Ninong nung bata kung pwede ganun na lang shifting ninyo? Siya sa araw, ikaw sa gabi?"

"Naks! Parang naglalaro lang kayo ng bahay-bahayan ah! Nanay-Tatay?" – Sir Kean

"Stop it." –Emmy

"I don't know. Kawawa nga yun, siya ang napagbuntunan ko kanina. Di ko na alam ano pang mukha ihaharap ko sa kanya pag biglang pakiusapan ko pa ng ganyan."

"Eh sa inyong dalawa iniwanan diba? Then definitely, may responsibilidad din siya diyan." Ani Sir Kean habang naghihiwa ng burger steak niya.

"Pa'no nga pala, half-day ka ngayon?" –Carlo to K

"Oo. Lunch, then pasok ako this afternoon. Sabihin na naman, absenera ako." –K

"Eh na-file mo na yung leave mo ah?" –Jass

"Kainiiiiiiiis!" gulung-gulong wika ni K. "Nakakastress."

Nailing na lang ang mga kasama habang pinapanood ang kaguluhan na nararamdaman ni K.

"There may be some way we can help." – Emmy

"Paano?" –Sir Kean

"Tulong tayo mag-alaga? Bisitahin natin si K pag weekends para kung maging nightshift nga pag-aalaga niya sa baby, makapahinga naman pag weekends." –Jass

"That's a nice idea." –Emmy

"Tapos makaka-close ko na din pati pamangkin ni K! Haha! Pogi points pa dun sa Tatay. Pag kuya mo na ang nagtulak sakin sayo, K. Wala ka nang kawala." Carlo confidently stated with wiggling eyebrows.

"Don't count the chicks before they've even hatched." Emmy stated in a sophisticated tone.

"Thanks guys, you guys are the sweetest. Thank you... Pero hindi na kailangan, nakakahiya na masyado. Laking tulong na nga sakin yung nahihingahan ko kayo sa mga pagkakataong 'to."

"Nu ka ba? No prob, K! What are friends for, diba?" –Jass

"Oo nga! What are friends for?" –Carlo

"Asang-asa din 'to, wala kang pag-asa kahit anong gawin mo buuuy!" batok ni Jass kay Carlo.

Karylle softly laughed. "Thanks guys."

"You're always welcome, K." –Sir Kean

Emmy smiled at her. She smiled back.

Thank you.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon