"May I see my granddaughter?"
"Po?"
"My granddaughter is here, isn't she?"
"Y-yes M-Ma'am.."
"So...?" unti-unti nang lumalabas ang katarayan ng ina ni Coleen.
"S-s-so..."
"I knew they didn't take my granddaughter to the States, so I came here to see her, where is she?"
"Ma'am er..." Wala namang masama... titingnan lang naman. Bakit ba 'ko masyadong kinakabahan?
"Marie..."
Kakagising at nagiinat-inat pa si Vice habang pababa ng hagdan.
"Marie!"
Napatingin siya kay Sir Kean na humahangos at tinilt ang ulo niya habang nakakunot ang noo dito.
"Marie... I think K's having trouble..."
"Ano?"
"Si K... sa labas----"
Agad na pumunta si Vice sa may pintuan dahil parang naalimpungatan nga siya ng doorbell kanina. Di lang siya sigurado pero agad siyang lumabas para tingnan kung anong diskusyon ang nagaganap lalo pa't may nasilip siyang pamilyar na van at payong pati bodyguard.
"What are you doing here???" takang tanong ng nanay ni Coleen.
"Tita."
Lumiwanag ang mukha ng donya at nakipagbeso kay Vice. Na-shock si Karylle na magkakilala sila. Then it sunk in, bestfriends nga pala sina Vice at Coleen.
"Vice, oh, thank goodness!" Dire-diretso itong lumakad papasok ng bahay nina Karylle at naiwan sa van ang driver nito. Isang bodyguard ang sumunod sa loob. Dahil sa pagka-alarma, tinawagan ni Karylle ang Kuya niya. Hindi sumasagot. Si Coleen, ganun din. Kinontact niya pa rin by all means ang dalawa. 'Aren't you overreacting, K?', tanong niya sa sarili.
"Kuya namaaaaan!" sigaw niya sa utak habang di pa din sumasagot sa tawag niya si Billy. Nagbukas muli ang pinto at sinenyasan siya ni Vice na lumapit.
Habang papalapit si K, sinalubong na din siya ng paglapit ni Vice. "K, favor naman, patimpla si Tita ng juice. Pomelo." Mahinang pakiusap nito kay K.
"The F? Pomelo? San ako hahanap nun?" bulong ni Karylle.
"sa tindahan, kahit four seasons... basta, mga ganung flavor. Sige na. Ito pera." Kung hindi lang din siya nagpa-panic ngayon, sininghalan na niya si Vice dahil sa pag-uutos nito sa kanya ng ganun. Pero nagpapanic na nga din siya kaya siya mas madaling naiirita.
"WTH, Kuya. Tawag ng tawag pag usual days, pero ngayon, di mahagilap, urgh!" reklamo niya habang panay pa rin ang dutdot sa phone kasabay ng paghahanap ng tindahan.
[K? What's happening?]
"Kuya, yung nanay ni Coleen, andito."
[What?!]