K bit her lower lip to refrain herself from doing anything she might regret. Nagsisikip ang lalamunan niya at ayaw niya umiyak. And for some reason, naiinis din siya kasi ano ba dapat niya ikaiyak? Like, Oh come on. Si Vice lang naman yan. They're not even bestfriends. What's the big deal? In fact, kasi hindi naman sila close, kaya hindi rin naman bibigat to kung di nila gagawing issue. May isang dapat mag-first move, then. But most definitely, it won't be her.
Tahimik niyang sinubuan ng baby food si Colbie... Ngumanganga lang ng ayos ito at ninanamnam ang pagkain like it's not her first time. Tutok siya kay Baby Bop. At nagko-comment ng kung anu-anong alien language sa tuwing feeling niya, masaya yung nangyayari sa TV.
How can he be so immature! That's such a petty issue. -.-
At iba naman ang concern ni Karylle.
Nang matapos ang pagpapakain,... which is least expected style ni Karylle dahil dapat mas exciting kasi first time 'to... Di niya na rin naman nakalimutang magselfie para i-upload sa IG niya. Makita na rin ng Kuya niya.
Nagdalawang-isip pa siya kung isasauli na sa kusina ang piagkainan ni Colbie't huhugasan dahil na rin alam niyang nandoon pa si Vice. Hindi sa ayaw niya makita... Hindi rin naman awkward... Hindi niya lang talaga alam. Hindi niya feel.
Pero kailangang mahugasan na agad ang pinagkainan kaya... teka lang. Iiwan niya si Colbie mag-isa sa sala? Paano niyang uutusan si Vice, di nga sila ok.
Agh! Maya na hugasan!
Titigas yung pagkain diyan, didikit sa plato, Karylle.
Arghhh!!
Para safe, isinakay niya muna sa stroller na may sandamakmak na belt para paniguradong di mahuhulog si Colbie. Pumunta na siya sa kusina.
At gaya ng inaasahan, naroon ang nakagirian niya.
Di siya pinansin... o hindi siya napansin nito habang patuloy lang sa pagkain at pagbabasa ng instructions na nasa likod ng tomato sauce. Meron din siyang cookbook na katabi. Naniningkit pa ito ng miminsan sa ilang mga linyang binabasa niya sa libro.
It's been like seconds bago na-realize ni K na may naiwan nga pala siya sa sala kaya kailangan niyang bilisan. Tinapos na niya ang paghuhugas, pagsterilize na din ng mga chupon ni Colbie at bumalik na siya sa kinaroroonan sa sala. Nang kukunin na sa stroller si Colbie para makapanood ng ayos, hinahawi siya nito sa tuwing mahaharangan niya ang TV. Ending, hindi na niya inalis sa stroller si Colbie dahil mukhang okay na doon ang sanggol. Kumuha na lang siya ng libro at nagbasa.
Fangirl by Rainbow Rowell.
Kumuha na din siya ng salamin niya, para mas madali siyang makapagbasa at nagsoot ng headset para kasabay nito, making ng musika. Patingin-tingin siya sa oras at panay isip... Teka, one chapter na lang.
Two Chapters.
Three.
Four.