"Kumalma ka nga, K. Kala ko naman, nanakaw na first kiss mo, makapaghysterical ka diyan." Komento ni Jass mula sa kabilang linya.
"I actually felt his finger on my butt."
"Mother Superior, paalala ko lang sa'yo ha. Bakla yan. Ikaw kasi, di ka nakiki-interact sa mga ganyan eh, kaya di mo sila kilala. Minsan nga, nang-aayos pa ng strap ng bra ng mga kaibigang babae yan eh! Normal lang yun sa kanila. Feeling din naman nila, babae sila."
"Ah basta. Isusumbong ko siya."
"Nga pala, tumawag na ba Kuya mo?"
Itinabi na ni K ang baby bag at naghugas na ng mga ginamit ni Colbie. Isinalang na niya ng isang kamay ang mga feeding bottle na kailangan pa i-sterilize.
"Oh, sh**"
"Bakit, anong nangyari??" Jass worriedly said on the other line.
"Nasindihan ko, wala pa palang tubig." natatarantang sabi ni Karylle. "wait nga, I'll put you on hold ah. May tumatawag."
Tiningnan niya kung sino ito... "Jass, wait up. Matutulog ka na ba?"
"Actually, tulog ako nung tumawag ka."
"Oh, sorry."
"It's fine. Pero kala ko talaga, emergency. Haha! Wag mo na kasi pansinin yun. Bakla yan eh. Sabihin mo na lang siguro. Pero sa nireact mo kanina, mukhang enough na yun, alam na niyang di ka komportable. Tsaka ka magalit pag inulit pa sa'yo. Pero talaga girl. Normal yun. Sinasabi ko na sa'yo."
"Fine. Thanks, love."
"OK, lovey! Bye. Goodnight."
"'Night."
Sinagot na niya ang tawag ni Billy, at ikinagulat niyang mainit ang ulo nito. "Who was that on the other line?? Bat ako pa pinag-call waiting mo?"
"Er, Kuya, si Jass yun."
"Alright. I just called to say I'm home. OK ba kayo diyan."
She gulped. "Yeah." She smiled, as if he can see her. "We're good."
"Good. Tulog si Colbie?"
"Tulog."
"Tulog ka na rin. Maaga pa pasok mo bukas."
"Yes, Kuya."
"Paano yan, dadalhin mo na talaga si Colbie sa opisina ninyo?"
"Yes, Kuya. Nasabi ko na din naman sa boss ko. He allowed me to bring her naman."
"Urgh. Sorry about this."
"Stop your endless sorry's kuya. It's fine. Are you okay? You sound so stressed."
"Yeah... a bit. Jetlag kasi, plus some things came up. And headache! God."
"Dala mo gamot mo... May siniksik ako sa isa mong pouch."
"Yeah, I got it. Thanks, kala ko nga naiwan ko eh."
"Sleep na, Kuya."
"You too."
"G'nyt."
"Night."
She hung up.
Tinapos niya lang yung ini-isterilize tapos ay pumunta na siya sa kwarto para matulog na. And just when she thought, it's time to sleep...
"UHAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!"
"Ohhhhpffff." Dismayed, she hurried through to get to the baby. "Puno na pala diaper mo."
Pinalitan niya lang ng diaper si Colbie. Inalis na din niya ito sa baby basket kasi hindi niya magalaw ito kanina habang tulog ito pagdating nila.
Natahimik na agad si Colbie matapos mapalitan ng diaper... nakatulugan na lang ni Karylle ang paglalaro kay Colbie gamit ang rattle.
Nagising si Karylle ng nakadapa ang baby at nakaharap sa kanya. Tuwang-tuwa ito't naglalaway pa. Weird.
Pinatay niya ang alarm na gumising sa kanya... Pero hindi niya makapa. Nakatulog pala siya ng nakaluhod sa tabi ng kama at ang katawan niya, nakalean forward sa kama.
That's when she found out.
Deadbat ang cell.
Hindi alarm ang gumising sa kanya.
She faced the mirror only to see na gulagulanit na ang buhok niya at kung anu-ano nang laruan ni Colbie ang sumabit sa buhok niya.
"Babe, ilang oras ka nang gising?" tanong niya sa baby na akala mo sasagot. Masakit din ang likod niya. Nagstretching muna siya at naghikab.
Chinarge na niya ang phone niya at kung hindi man ma-fullbat, itutuloy na lang niya mamaya ang pagcharge sa opisina.
Isa-isa niyang inalis ang mga sumabit na sandok, carrot, at letter X na dumikit sa buhok niya mula sa pagkakatanggal sa brand sticker nung baby toys na lutu-lutuan. Siya bumili nito noon para kay Colbie. Para daw maagang ma-introduce sa kanya ang mga gulay. Mostly din kasi sa lutu-lutuan ni Colbie, fruits and veggies ang kasamang pagkain.
As she removed the sticker fom her hair, bigla siyang kinabahan. Asan yung ibang parts nung sticker?
Tumakbo siya uli kay masayang Colbie at pinanganga ito.
Pinatawa niya na lang kasi hindi talaga nga-nganga.
"OMG. Spit it!"
Tumawa lang yung baby ng kaunti pero sinara ulit ang bibig at ngumuya.
"Colbie!"
The baby giggled.
"Tsk. Iluwa mo yan, isa."
Tumawa lang ulit ang baby pero sarado pa din ang bibig.
Pinaghiwalay niya ang mga labi nito pero nakaharang pa din ang ipin. "Colbie namaaan.."
The baby cried. UHAAAAAAAA~!
"Yun!" she grabbed the papers... which she saw, yung the rest nga ng part nung sticker. "Thank goodness." She breathed. "Gaano katindi yang mga daliri mo? Gugupitan na kita ng kuko."
Umiiyak pa din ang baby. Pinadede na lang niya ito sa chupon at saka iniharap sa TV na may Barney para matahimik.
Seryosong nanood ang baby sa mga pinaggagagawa ng Barney & Friends. Nagthumb suck siya.
K took a bath and did all her morning rituals.
She thought they were both good to go until she heard Colbie crying from the living room and there, she found. Nasuka na ito. "Gahhd! Di ko nga pala napa-burp."
Nilinis niya ang suka't pinaliguan, binihisan si Colbie only to find na 7:40AM na. Traffic na't male-late na talaga siya, pero sumige pa rin. After all, it's Friday. After nito, weekend naman na. I-oovertime na lang niya ang late niyang pasok. Marami naman siyang naihandang ready to feed na powdered milk sa containers. Mas matututukan niya na siguro si Colbie bukas.
***Punas pawis***
Kaya mo yan, K.