"Hmmmm~!"
"Aray!" masakit man, pinagpasensyahan na lang ni Billy ang madalas na pagkurut-kurot sa kanya ni Coleen. Lalo pa pag may kinaiinisan ito sa paligid.
"Cupcakes... from Consuiré." Ngiting-ngiting hain ni K sa kanilang bisita. Actually, bigay na naman ito ng isang manliligaw niya sa opisina pero dahil sayang naman daw kung itatapon, nakatago na lang sa ref at si Billy ang kumakain.
"Ayoko niyan." Inis na sabi ni Coleen. Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng doorbell at nakilalang agad ni Coleen kung kaninong ulo ang nasa labas ng gate. Excited niya itong pinagbuksan.
Dumating si Vice na may dalang galing sa sikat ngunit mumurahing doughnuts at dun naman tuwang-tuwa at excited na excited na lumamon si Coleen. Inagaw niya agad ang bags kay Vice.
"Ang laki pala ng bahay ng boyfriend mo 'no?" wika ni Vice habang naka-angkla sa kanya si Coleen at papapasukin na siya sa bahay.
"Correction! ...fiancé." Coleen skips as she munches her Bavarian doughnut. "Ang sarap talaga nito."
Pagkapasok sa loob kung saan white, dark brown and mahogany ang motif ng bahay, lumakad pa sa tiles na sahig si Vice at manghang-mangha sa kasosyalan ng bahay nina Billy. Sikat eh. Isip-isip niya.
Dinatnan niyang nakaupo habang nanonood ng TV si Billy sa sofa, naka-white shirt, jersey shorts. Kita dahil sa short sleeves niya ang naglalakihang mga tattoo sa muscular nitong braso.
Walang makakapagkaila-na-starstruck ang bakla.
"Sus naman, Vice. Parang di mo pa siya nakikita nung sinusundo ako sa bahay niyo."
"Iba yung itsura niya ngayon... Ang hot, beh! Yung buhok niya parang kakatapos lang mag-- urgh!!! Kahiya... wag na nga, lebes ne ele eke!"
"Talandi kang bruha ka? He's mine, so buzz off." ani Coleen na panandalian lamang na nadistract sa kinakain kaya't nagfocus sa donut niyang muli. Nagka-confectioner's sugar na siya sa paligid ng mga labi niya pero tuloy lang. Wala siyang pake. Di niya din naman pansin.
Vice pouted.
"Ang yaman pa... ang bango pa..." -Vice
"Oh, you're here!" agad na tumayo si Billy nang mapalingon at nakita silang magkasama na ni Coleen. Bahagya niyang tinawanan ang itsura ng nobya at kinamayan si Vice. Nag-gesture siyang magpunas muna ng bibig si Coleen ngunit dinilaan lang nito ang paligid ng sariling bibig at nagpatuloy sa pagkain.
Ibinalik muli ni Billy ang focus kay Vice.
"Hi, so glad you could come. Sit here."
Nakangiti lang sa kanya ang kausap at tila di siya narinig.
"So glad you could come."
"Sit here."
"Vice." -Coleen
"Ha?" -Vice
"Bitawan mo na. Boyfriend ko. Akin." -Coleen
"Ayh. So-Sorry 'Tol." Nilaliman ni Vice ang boses niya. Tutal naman, di siya nakamake-up ngayon... baka maging barkada niya 'to. Kahit barkada lang.
As if nga naman pala di alam ni Billy na beki siya. "Nice. Bagay, 'Brad!" nakipagshoulderbump siya dito bago tuluyang bawiin ang kamay.
"Ayos ba?" papoging napakamot sa ibabang ilong si Vice at natatawa naman siyang tinapik sa likod ni Billy. "Kung di ka lang madalas ikwento sakin ni Coleen, pagseselosan talaga kita."
Si Coleen naman, masaya paring pinapapak ang mga dalang donut ni Vice at nang halos mabulunan ay muling napabaling sa kanya si Billy.
"Oh, babe? Hala, anong nangyari? Babe..."
"Nabubulunan, nabubulunan! Teka, kukuha ako ng tubig!" -Vice
"Ako na! Coleen, stay put. KARYLLE!"
"Oh????" -Karylle na pasigaw galing sa kwarto.
"Sh**." Dumiretso na sa kusina si Billy dahil wala pala siyang mauutusan kumuha ng tubig.
Madaling-madali siyang kumuha sa kusina at dinala ito kay Coleen. Pulang-pula na ang mukha ng dalaga. Nadatnan niyang akap-akap na ito sa likod ni Vice at mukhang binibigyan na ng first-aid pampalabas ng kinain.
Bumwelo pa muli si Vice... "Pagkabilang ko tatlo ah. 1! 2-!"
"Tigilan mo nga yan, baka iba madiinan mo! Coleen o, tubig." Pag-aabot ni Billy sa harapan ni Coleen pero saktong pagkabigay nito... Naisuka ni Coleen ang isang bloke ng donut at shumoot sa basong hawak ni Billy.
Napatingin na lang sa baso ang tatlo.
"Kuya..."
Narinig nilang may nagsalita sa gawi ng kusina galing hagdan kaya napatingin sila sa direksyon nito.
"Bakit mo ko tinawag?" maang na tanong ni Karylle.
"Tubig."
"Ayh. Yun ba? Sorry, pakuha na dapat ako kanina eh. May tumawag kasi sa phone ko, kinuha ko lang. Teka ha..." and she ran to the kitchen to get what they need.
Di pa man din nakakamove-on sa hindi sobrang kagandahang kinahinatnan ng successful niyang pagfe-first aid kanina, heto na naman ang isa pa. "Bebe Girl,"
"O?"
"Sino yun?" balisang bulong niya ng nakayakap pa din mula sa likod bandang baywang ni Coleen.
"Ah," kumalas na si Coleen at kinuha ang basong naluwaan niya mula kay Billy.
"Ah...?"
"Kapatid ni Billy." She smiled. "Sorry babe. Galing naman sakin 'to."
Kumuha ng kutsara sa lamesita si Coleen at tinapon sa garden ang donut chunk na buo pa halos mula sa pagkakalabas niya kanina.
Clear at transparent pa ang tubig.
Sa harapan ng dalawa, ininom niya ito.
"Oh bakit? Malinis yun." Inubos niya ang natitirang tubig sa baso at nilapag muli ito kasama ang kutsara sa lamesita.
Di pa rin makakibo ang dalawa.
"Heheh, di nasayang yung tubig ah? Sorry babe."
He gulped, habang si Vice sa isang tabi, di malaman kung mandidiri ba, maiinis o masusuka.
Muli, nagpatuloy sa gustong sabihin si Coleen,"Love you." *smack*
"Guys, waters niyo..." inosenteng sabi ni Karylle mula sa kusina na may dala nang pitsel at tatlong basong may mga laman nang yelo.
"Sorry late." She smiled.
(^_^)V -K
(-_-) -C
O_O -B
Yung reaksyon ni Vice? Di ko po ma-explain. XD
[A/N Ito na update, sibs. Sorry Late. (^-^)V]
Thanks sa mga nagpi-PM about The Blind Connections pati dito. Salamat sa pag-aantay kahit sobrang mabagal ako. Sana di kayo magsawang magvote, comment at basa/promote nito! ^_^ Aheheheheh! Thank you!