SPECIAL CHAPTER [Father's Day]

1.5K 78 43
                                        


Sorry, this came late. 9:00PM ko na po naumpisahan. Love yah. Happy Father's Day sa lahat ng mga tatay ninyo. May mga gising pa ba? Magsitulog na kayo. Hahahah! Lovelots, mwa.


I'd suggest you keep playing the song 👆 while you read the whole chapter.. As in yung stuck on repeat... dahil ganun ang ginawa ko habang sinusulat yan. Haha ✌️ Peace tayo @AngelicaAlcober na nagrequest po ng additional Father's Day Special sa storya nating ito... >_< Hindi ko po na-fulfill ng buo yung request mo. But I tried. Sana po magustuhan ninyo, sibs. Goodnight!  😊  
 

____________________

One Year Later...

Nagwawala si Colbie at ayaw sumunod kay Karylle. "Ah—Baby! Bad. Come here. I'm gonna play the trumpets, sige. Mama's gonna play the trumpets." Saka na nag-make sound si Karylle ng pinaka-kinaiinisang tunog ni Colbie na trumpet sound na tugtugin ni Isa the Iguana sa Dora.

Nakapamewang lang silang tinitingnan ni Vice at napapa-smirk habang tinitingnan si Karylle.

"Tsk! Baby!" naiirita nang sabi ni K.



Nakakalakad nang mag-isa si Colbie kaya't pumasok ito sa likod ng counter at dumaan sa pagitan ng mga cashier at nagmamadaling mga busboy na nagdadala ng mga order sa mga customer ng fastfood. Saka na iniwan ni Vice ang iba nilang kaibigan at mabilis, ma-otoridad na nag-utos kay Colbie sa likod ni Karylle na napatakip na lang sa bibig.

"Colbie! Come here!"

Umupo si Colbie sa sahig, walang pake kung madumihan ang dress niyang soot.

"Sir, pwede pumasok? Kukunin ko lang? Pasensya na po." Nahihiyang sabi ni Vice sa manager na natutuwa lang sa sanggol na nagta-tantrums.

"Okay po, sir." Tango ng Store Manager at nag-give way kay Vice. Inisang kamay na buhat lang siya ni Vice at saka dinala sa table nila. Hinalik-halikan niya ito dahil cute pa rin ito sa paningin niya't walang makakapagpasama ng loob niya ngayon lalo pa't anniversary nila ni Karylle.





Seven Years Later

Tuwang-tuwa si Valkyrie habang nakasakay sa likod ni Vice at nagho-horsey horsey sila sa sala. Kulot siya't medyo chestnut brown ang kulay ng buhok. Well, masasabing mana kay Karylle.



"Dada, di pa ba uuwi si Mama?" tanong ni Colbie habang nagbe-braid ng sariling buhok sa harap ng salamin.

"Aga pa ah? Bakit?"

"Nothing." Tipid nitong sagot at inirapan ang kapatid na feeling niya, mas mahal ng Dada niya dahil ito na ang laging binubuhat at ina-aruga nito. Walong taong gulang pa lang ngayon ang bata, pero ang emosyon nito sa tahimik na pagseselos ay umiiral na dahil sa kawalang kasanayan na may ibang inaalagaan bukod sa kanya. 



Pag nakatapon ng kung ano, o pag nagkakalat, tinatawanan lang at ang Dada pa niya mismo ang magliligpit, lalo na pag nagalit na si Karylle.

Pero pag siya, minsan na nga lang siya magkamali, agad na mapapalo pa.

Sa kabilang banda, dahil si Karylle ang nag-oopisina, hanggang ngayon, si Vice pa rin ang mas may hawak ng sarili nitong oras, kaya siya ang mas nakakatutok sa pangangalaga sa halos tatlong-taong gulang na si Valkyrie. 

BabyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon