Ddddddd

1.5K 79 6
                                    


"Oh well... The baby's good! Balik na lang kayo ulit dito next month. She'll be having her shot for Rubella."

"Thanks Doc."

"Such a good and behave baby, huh? Baby girl?" The pedia says habang hinihimas ang matatabang binti ni Colbie na karga ngayon ni Karylle. Pinunasan ni Karylle ang bibig nito dahil naglalaway na naman sa panggigil nang makakita siya ng picture ni Barney sa dingding ng pedia clinic.

"By the way... pwede na pala siya umpisahang pakainin ha? You may give her soft foods, as long as they're nearly liquid."

"Oatmeal, doc?"

"Umpisahan mo sa foods like cerelac. But, not too much ha? Maganda mag blend ng vegetables and fruits para maagang masanay sa ganoong lasa ang baby. However, keep it in moderation. And make sure that everything you serve is sterilized. Mahirap na."

"Yeah, ok, thanks Doc!"

"Thank you."

Paglabas ni Karylle karga si Colbie ay nakasalubong naman niya ang sunod na nanay at batang pasyente. Nagngitian lang sila sabay dire-direcho nang lumakad patungo sa kinaroroonan ni Vice si Karylle. Palapit pa lang ang mag-Tita ay napaangat na ng ulo si Ninong sabay ngiti sa dalawa.



Kakakita pa man din lang kay Vice ay sumasama na agad si Colbie sa ninong niya.

Umayos ng tayo si Viceral mula sa pagkakatukod kanina sa railings ng hagdan. Inayos niya muna ang pagkakasabit ng strap ng bag sa isang balikat bago kunin si Colbie. "Ano na sabi ng doctor?"

"Tumaba si Colbie!" anya na kunyari inaasar ang kargang sanggol ni Vice. "Last month, 8.2kg ka.. biglang 10.6? Hahahaha! Chubbu chubbu chubbu!!" panggigigil nito sa mga bilbil ng sanggol sa braso. (Bilbil sa braso?)

"Sabi sa'yo, bigay hilig ka eh. Lahat na lang ng dumadaan sa'yo gusto mo tumaba."

"Hiyang lang talaga sila sakin. Ikaw. Gusto mo? Aalagaan din kita ng mabuti." Taas-babang kilay na sabi ni Karylle habang sinusundot ang tagiliran ni Vice.

Nangiti lang si Vice at tiningnan ng makahulugan si Karylle. 

"Hoy. Di ka kokontra?" takang tanong ni Karylle sa kasama.

"Bakit? Lahat ba ng banat mo dapat kino-kontra?"

"Asan na yung Yuck! Kadiri! Maghulus-dili ka nga Karylle! San na ha? Oy. Nafo-fall ka na sakin? Oy. converter ako kaso hinay-hinay, baka masaktan ka lang." natatawang sabi niya kay Vice.

"Manahimik ka nga. Eto assumera din eh. Ano pa sabi ng doctor?"

Nagtaas ng kamay si Karylle at hinaplos ang sentido hanggang leeg ng bakla. Napansin niya kasing pawisan na ito. "Wala, ininjectionan lang naman siya." Nilabas na niya ang sariling panyo at pinunasan pati noo ni Vice.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ng huli habang walang kamalay-malay na nagke-kwento't nagpupunas lang si Karylle. Bukod sa ngiti ay napataas na din siya ng kilay kasi talagang kinareer ni Karylle ang pagpupunas ng pawis niya. Pilit niyang tinatago ito sa pagsubok na sumimangot pero wala, nangi-ngiti talaga siya. 

Hindi naman iyon batid ni Karylle, bagkus ay patuloy lang siya sa pagkwento. "Tapos pwede na nga pala daw siya sa foods!" wika ni K sabay tabi ng panyo sa bulsa niya. "Bili tayo bago umuwi." inisasyon ni K, na masayang hinimas-himas ang matatambok na pisngi ng sanggol. Bumaling si Colbie sa kabilang balikat ni Vice at nilaro ng mga kamay ang likurang buhok ng binata.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon