Arte!

1.7K 53 2
                                    


"Nakakatuwa di't di maselan yang girlfriend mo ah. Pero... pag iniisip ko pa din, it's super iww." –Karylle

Bahagya namang natawa si Billy. Saglit siyang nagawi sa kusina para kuhanin ang ilan pang muffins at pastries na pumupuno ng ref nila. Ibibigay niya ang mga ito sa mga bisita.

Mabilis niya ring iniwan si Karylle doon na nagtitimpla naman ng refreshments... para din yun sa lahat. Nagdala na siya kanina ng marami-raming tubig pero naisip niyang mag-experiment gumawa ng frappes at cappuccino latte. Pag masarap, edi ise-serve din. Pag hindi, edi nagsayang siya ng ingredients. Like she cares.

"Oo, siya yun."

"Oh? Di ko nga alam eh. Naiinis pa nga ako sa sarili ko kasi naiinis ako sa kanya, wala naman siyang ginagawang masama. Mukha namang masarap yung binigay niya kanina, ang rude ko yata, kaya lang di ko talaga mapigilan, naiirita ako sa presensya niya."

"Ay nako girl. Hindi talaga kayo magkakasundo ng babaeng yan. Kahit pa siguro kung di ka naglilihi. Walang sini-sino yan, kahit buntis. Behave lang siguro ngayon kasi andyan kuya niya. Nakuu! Buti na lang. Bait-bait talaga ng kuya niya, san ba siya nagmana?"

"Alam mo, grabe ka maka-judge. Di mo pa nga masyadong kilala yung tao, isang beses mo pa lang na-meet. Eh sa nagmamadali daw siya nun diba?"

"Ngayon? Tama ba na ang haba-haba ng pila, sisingit na lang siya sa buntis pa? Ikaw, ngayon. Buntis ka din."

"She's treating me well."

"Kasi nga, bantay-sarado ka ng kuya niya."

"Ewan." She giggled.

Kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa sofa. Katapat ang bukas na TV na hindi naman alam kung meron pa bang nanonood. Ang ibang bisita na barkada din nina Coleen at Billy, may kanya-kanyang kumpulan din sa gilid. Naupo saglit si Billy sa isang tube settee at nagtingin ng mga albums na pwede patugtugin sa stereo. Inayos niya yung amplifier.

Nagkalikot ng mga dahon ng palmera si Coleen sa gilid ng sofa. Nagtingin-tingin pa siya at lalo niyang na-appreciate ang rattan sofa na inuupuan nila na may wooden design pero malambot, tapos yung glass center table pero rattan din ang itsura ng stand, simpleng puti ang mga kurtina pero ang classy at presko ng dating. Tiles ang sahig. Pagkapasok mo ng gate, maliit na garden lang sa labas as in orchard lang at may mga ferns, maliit na maliit na porch tapos sala na. Tapat ang pinto papuntang kusina. Gusto niya din sana puntahan yung kusina kung anong itsura doon kaya lang, alam niyang andun ang kapatid ni Billy, maiirita na naman siya.

".....Hay nako, nakakagigil talaga."

"Alam mo, hindi na normal yang inis mo. Bakit ba galit na galit ka dun, eh ikaw nga mukhang di ka na maalala?"

"Basta. Hrrr!"

"OA mo."

"Di mo kasi narinig pinagsasabi niya sakin nun."

"Kinwento mo na, ilang ulit Vice. Ano pang detalye ang namiss ko?"

"Kung judgemental ako, mas judgemental siya."

"Hahahahaha! Yieee! The more you hate, the more you love!"

"Bw*sit ka."

"Hoy, igalang mo 'ko, buntis ako. Ahahahahaha!"

"Cheh!" pasukong anas ng bakla.

"Muffins from Roché Enout..." Billy serves food as K handed those over to her from the kitchen.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon