"Kumain ka na nga! Antok pa 'ko." Kung nayayakap lang ang sahig, malamang ginawa na ni Karylle. Carpeted naman ang sahig sa kwarto niya kaya papasa na ring kama. Pero siyempre, hindi pa rin mai-aalis kay Vice ang mag-alala pag nakikitang nakahilata si K sa sahig. Pangalawang beses pa lang niyang nakita si K na ganito. Sobrang pagod para maligo't sa sahig na lang talaga matutulog kesa madumihan niya ang kama niya.
"Di ka maghahapunan?? Tsaka ba't diyan ka natutulog?" aboridong tanong ni Vice habang nakapamewang sa may pintuan.
"Antok ako! Tsk." Ani K sabay pikit muli at pagpilit bumalik sa pagkakatulog.
"Dun ka sa kama." papalapit na sabi ni Vice.
"Ayoko. Tsss. Madumi nga ako sabi eh. Alam nang kakalinis ko lang ng garahe! Tsk."
"Grabe, garahe lang, K? Dito lang din naman sa inyo yun! Tsaka, as if naman! Nagdumi ka ba? Puro mando ka nga lang sakin. Minahal mo na ng sobra yung washing machine."sa tabi na siya ni K nakapamewang at nanenermon ngayon.
"Tsk. Selos ka naman?" hirit ni K.
"Oo, bakit?" Paupong tugon ni Vice.
K laughed at dumapa ulit sa malambot na carpeted niyang sahig.
Tumawa din si Vice at nag-umpisa nang manghila sa kanya. "Tayo naaaa~~~"
"Mabigat ako~" mapaglarong sabi ni K.
Napahagikhik silang pareho at pumwesto si Vice sa paanan para hilahin ang mga paa ni K.
"Di mo ko kayaaa~~" pangungulit pa ng dalaga.
"Bubuhatin kita. Isa."
"Subukan mo lang. Sasabunutan kita." Kunwaring seryosong sabi ni K.
"Dalawa. . ."
"...Hoy. Vice!" naramdaman na niya ang pagpailalim ng mga kamay ni Vice sa likod at binti niya. "...Tsk. Ang kulit!" ...Kaa't nagpabigat pa siya lalo ng katawan at nag-attempt pang kumapit sa kung saan mang may mahablot siya.
Kaso, mabilis si Vice.
Binuhat na siya nito at dinala papunta sa kama pero di siya pumayag na ilapag siya ni Vice dito kaya nung ilalapag na siya, mahigpit siyang kumapit sa leeg ni Vice at ipinulupot ang buong sarili sa katawan ng lalaki...binata? 😰
"Ano? Hoy babae. Kama yan, hindi swimming pool."
"Madumi pa nga ako, ayoko diyan, di pa ko naliligo. Sabi nang wag eh." Kapit na kapit siya sa leeg ni Vice.
"Oh asan na sabunot ko?" nangingising sabi ng binata.
"Abnormal ka."usal ni K sa magkaharap na mukha nila.
"Ano tawag sayo kung ganun?" pigil-ngiting anas ng lalaki.
"Ibaba mo na kasi ako sabi." tila tinablan na ng onting hiya si Karylle at namula na.
"Sino nakakapit?" pigil-tawa pa ding sabi ni Vice.
"Sa sahig! Tsss." sigaw niya sa tenga ni Vice.
"Aaaa! Yung tenga ko naman K! Katukin ko yang fallopian tube mo, ano?"
Tatawa-tawang bumaba si K sa pagkakabuhat ni Vice nang bitawan siya sa sahig nito kaya't nauna na siyang bumaba ng hagdan. Kaso ilang baitang pa lang ang nabababa niya, para nang lumulobo na pinipiga yung ulo niya bigla. "Pinutol mo kasi tulog ko, ansakit na naman tuloy ng ulo ko." anya na napapapikit na.
