"Mangingitim na lang yung patatas kahit nasa tubig, antagal-tagal mo.""Eh ampurol na kasi! Baka makahiwa?" reklamo ni Karylle habang pilit parin binabalatan ang patatas gamit ang peeler.
"Kahit sampung taon mo pa kudkurin yan, kung baliktad ang hawak mo sa peeler, wala talagang mangyayari sa'yo. Ngasabin mo na lang ng buo."
"Kainis naman kasi! Sino ba may sabing magganyan, ikaw tong gutom?"
"Bisita mo 'ko, ikaw dapat naghahanda ng pagkain ko, pasalamat ka nga, pinapatulong ka lang."
"Pinapatulong? Inaalila mo 'ko!"
"Wagas maka-'inaalila' ha?"
"Di naman kasi tinuro." Bulong ng dalaga.
"Akala ko ba alam mo?"
"Gan'to yun oh. 'Let me show you.'" Panggagagaya ni Vice sa kaninang pagkakasabi ni Karylle.
Natawa na lang si Karylle at itinulak ng malakas si Vice, but he kept his balance.
"Let me show you! Grrr Grr! Nganga."
Isang hampas pa natanggap niya kay Karylle pero maging siya ay natatawa na rin.
"Kahit di na uso honest, girl. Patunayan mo naman, kahit sayo lang?" patawang banat muli ni Vice.
"Akin na kasi." -Karylle
"Ako na." -Vice
"Kaya ko naa!"
"O sige ikaw." Binitawan na ni Vice ang peeler at patatas at pinanood si Karylle na gumawa nito.
"Perness, past learner!"
"Past?"
"Kung di ka namali kanina, di mo magagawa yung tama ngayon."
"Mga lines mo, may hugot ah? Hahaha!"
Vice just smiled at naghanap ng kaldero. Magsasaing muna siya habang nagbabalat si Karylle. Siya naman na ang maghihiwa.
"Uy, may kanin pa diyan. Bat yan ang gagamitin mo?"
"Saingan to ah? Bakit?"
"May rice cooker naman. Papakahirap ka pa."
"Di ako marunong dun."
"Sus, pipindutin mo lang eh!"
"Eh. Di ako marunong."
"Turuan kita."
"Magbalat ka na lang diyan."
"Tamo kadayaan nito."
"Minsan kahit mas mahirap, kung dun ka sanay, mas madaling manatiling dun ka na lang."
"Vice?? Hahahaha!"
"Cheret leng."
'May something talaga.' She thought.
Natapos na ang pagbabalat ni Karylle at nakasalang na din ang sinaing ni Vice.
"Now...?" –K asked.
"Amina, hihiwain ko na." pagkuwa'y inabot na ni Vice ang mga gulay at hiniwa ang mga ito. Nagulat si Karylle sa bilis ng kamay niyang maghiwa-hiwa na para bang sanay na sanay sa kusina. Tumingin siya sa hinihiwa ni Vice, sa mukha nito. Sa mga hinihiwa ulit. 'Bat ang pogi mo?'