"Malayo pa ba?" Curious na tanong ni Karylle. Medyo aksaya sa gas 'to ah.
Hindi na sumasagot si Vice kaya tahimik na lang din na sumunod ang dalaga.
He got his phone up and called Archie. "Dito na 'ko sa fountain."
"Ha? O sige, susunduin na lang kita. Ellie... andun na daw si insan, sunduin ko lang ah? [OK.] Papunta na 'ko." Sagot ng kausap.
"Salamat. Si Colbie, kamusta?"
"tulog, 'te."
"Pasensya na sa abala, ha?"
"'Nu ka ba, wala yun!" Nadinig mula sa background ni Archie ang pagbukas at pagsara ng gate. "Ito nga si Ellie eh, kung pwede lang daw sana, araw-araw niya makasama yung bata. Sabik na sabik magka-baby ulit."
He smirked.
"Oh. Kita na kita."
"Kita? Saan—Ah." Binaba na ni Vice ang phone at sinalubong si Archie. Casual lang naman kung titingnan. Ni hindi mo mahahalata na dalawa silang bakla.
Pinapanood lang sila ni Karylle mula sa kotse. Maya-maya, naglakad na ang dalawa't sinundan na lang muna ng tingin ni Karylle. Mukhang walang balak 'to na ipakilala ako sa kasama niya ah. Pero parang nakita ko na siya dati. Parang lang pero di ako sure.
Pinalayu-layo niya muna ito... at nang malapit na sila mawala sa paningin niya, saka naman pinaandar ni Karylle ang kotse.
Tamang-tama lang pagkapadyak niya sa gas ay lumingon sa direksyon niya si Vice. Di ito nakita ni Karylle.
'Bakit di na sumunod yun?' tanong ni Vice sa isip.
"Di na pala ba umuwi yung tiyahin?" tanong ni Archie sa kanyang tagiliran habang sabay silang naglalakad.
"Maka-tiyahin naman 'to. Lakas maka-thunder ah? Hahaha!"
"Ilang taon na ba?"
"Wala, siguro mga ka-edaran ko lang. O baka mas bata."
"Pero di naman masyadong bagets?"
"Di naman."
"Sa inyo talaga hinabilin yung bata ah? Pa'no pag may nangyari dun? Di naman pala related sa'yo, sa kanya lang, edi may bayad yung pagya-yaya mo 'teh?"
"Wala. OK lang din. Close ko naman yung nanay eh. Yung kinekwento ko nga sa'yo. Si Coleen."
"Ah, yung model?"
"Oo."
"Paano pala yan, next next month na yung contest, may raket ka na ba girl? Wala ka na palang model."
"Oo nga eh. Iniisip ko pa kung saan ako kukuha ng extra sahod ngayong pasko. Balita ko nga, uuwi daw si Nanay eh."
"Oh?"
"Ewan ko, sabi ng mga kapatid ko. Oy, pero wag ka madaldal ah. Baka mamaya ichika mo na agad kina Tita, ma-disappoint pa pag di natuloy."
"Tagal na nung Nanay mo sa America no?"
"6 years."
"OK na kaya kayo?"
"Hmm! Tsaka ko na iisipin yan. Di pa nga sure yung uwi niya eh. Mamaya, ma-extend na naman."
Antagal na nilang naglalakad, anlayo naman ng bahay na pinagdalhan ng mga 'to? Isip-isip ni Karylle. Malayo man, nasusundan niya lang ang dalawa sa abot ng nakikita. Ni hindi niya pa matext si Vice kasi nga wala siyang number!