She opened the door only to find na mukhang may bagong issue na naman na magpapatagal sa kanya.
"What are you doing here?! Duh?" –Karylle says as she carried the baby while locking the door.
"Ayaw pala nito eh. Umuwi na nga lang tayo."
Napalingon si Karylle sa narinig. May kasama siya?
"Hey, batchie. Kakarating pa lang namin, papaalisin mo na agad kami? Sayang naman oh." Archie says habang inaalalayan sa paglapit sa gate nina Karylle ang asawa.
"Wait. Naka-uniform siya." Banggit ni Ellie... Ellie diba?
"Ay. Papasok na pala. Kaya nagmamadali. Hehe.." Kamot-ulong tumingin kay Karylle si Archie at medyo subtle na naga-apologize, careful not to make any wrong move at baka kung ano na naman ireact ng asawa niya.
"Yeah. I have work at 8:00 pa eh... Uhm... Pa'no ba 'to? Wait, er.."
"Amin na lang muna si Colbie, dadalhin namin sa bahay. Diyan lang naman kami. Hinatid kasi namin si Yuna... eh nung kasama namin 'to si Vice, sabi pupuntahan ka pa daw niya." Pagpapaliwanag ng asawa ni Archie. "Ito kasi, sabi kanina, uuna na daw siya, aga-aga pa."
"TMI, Ellie. Ganda mo." Sarkastikong sabi ni Viceral habang pa-walk out na talaga.
"Isang jeep lang naman ang pagitan natin, tanda mo pa?" nakangiting sabi ni Ellie.
"Kung okay lang sana sa'yo... Giliw na giliw sa baby 'tong si Ellie. Eh ang kaso," segunda ni Archie.
Napaisip naman dito si Karylle. Isang malaking dahilan kung bakit hindi magkandadala sa dami ng ginagawa si Karylle ngayon ay dahil ayaw kumuha ng yaya ng kuya niya. Simpleng dahil lang naman ayaw ipahawak nito ang anak niya sa iba. Yung ipadala pa kaya sa kung sino? Well, personally, kilala nilang dalawa ni Billy si Archie dahil naging ka-batch ito ng kuya niya noon. Sa totoo lang, lokong-loko pa ang baklang-baklang si Archie kay Billy nung highschool pa si Karylle.
Si Karylle nga lang ang mas nalalapitan niya dahil mas may dahilan siyang kumapit dito't kalikutin ang maganda niyang kulut-kulot na buhok. Gayunpaman, friends si Archie at si Billy. Some find it hard to imagine na ang isang maton, makikipagclose sa isang bakla pero talagang kasama si Archie sa tropa nila. Never niya nga lang nasabing "This Guy's in Love With You Pare". Kaya para mas maging close, si Karylle na lang ang pinuntirya niya. Lagi niya itong inaayusan ng buhok, kahit pa alam niyang allergic sa bakla noon si Karylle. So, hindi na lang siya nagpaka-pakawalang bakla. Alam niya talagang may istilo ng baklang nakakairita. Eh nung mga panahon na yun, paminta pa naman siya. Bawal ang cross-dresser sa school.
Walang ni isa kina Karylle at Billy ang nakaalam nito. Matagal na rin namang binaon ni Archie ang feelings niya sa limot.
"Male-late ka na." alalang sabi ni Ellie kay Karylle habang tumitingin sa relo niya. Oo nga pala!
"God!"
"Wait, yung bata?"
"Er, heheh!" Ninenerbyos na hinarap sila ulit ni Karylle. For the first time ata eh, tumingin siya kay Vice na para bang nanghihingi ng tulong. Alam niyang alam din naman ni Vice 'to.
"Sabi na kasi sa inyong wag na!" baling ni Vice kina Archie.
"Ha??"
"Umuwi na lang kayo, may pupuntahan pa din kami ni Karylle pati."
"Saan naman?" –Ellie
"Bawal sumama?" – Archie
"Papa-check-up pa namin si Colbie eh." Mabilis na dagdag ni Karylle.
"Oh? Ibig sabihin di ka papasok?" – Ellie
"Kung nagmamadaling pumasok yan, edi sana kanina pa. Kita mong nakipag-super talkshow pa satin dito sa labas eh. Gora na!" –Vice
"Ganun? Bat di mo naman agad sinabi?" ngumungusong wika ni Ellie.
"Sabi ko ngang ako na lang pupunta diba?" –Vice
"That's kinda harsh, Vice. Hahaha! Sorry po talaga, di ko muna maibibigay sa inyo si Colbie ngayon..." ani Karylle na nilalagay na sa Baby basket si Colbie... ang sanggol na tahimik lang at walang kamuwang-muwang sa nangyayari.
"Sige, una na kayo. Salamat sa paghatid." Kaswal na sabi ni Vice habang sumasakay sa likuran ng kotseng mamanehuhin ni Karylle.
"Bye bye..." -Ellie
Magalang na kumaway at ngumiti na lang din si Karylle habang nasa driver's seat at saka na siya bumusina bilang huling 'byebye' sa mag-asawa bago tuluyang maka-alis.
"Amin na lang muna si Colbie, dadalhin namin sa bahay. Diyan lang naman kami. Hinatid kasi namin si Yuna... eh nung kasama namin 'to si Vice, sabi pupuntahan ka pa daw niya."
"Ito kasi, sabi kanina, uuna na daw siya, aga-aga pa."
"TMI, Ellie. Ganda mo."
K smiled for no reason at all pero agad niya din namang naalala na late na late na siya.
"Tinawagan ka ba ni Kuya?" kaswal na tanong ni Karylle habang pilit na sumusuot sa pagitan ng mga sasakyan para lang hindi ma-stuck sa matinding traffic dala ng mage-8:00 na.
Wala siyang narinig na sagot mula kay Vice, bagkus ay nakita niyang nilalaro nito ang baby sa harapang passenger's seat. Kilig-tawa ang sanggol habang hinuhuli ang malalaking kamay ng ninong niya na pilit humahawak sa mga paa niya.
[
CLARIFICATION:
<Driver's Seat: K> <Front Passenger's Seat: Colbie in her baby basket>
<Rear Passenger's Seat: Vice>
]
Nangiti na lang si Karylle at dumiretso sa pagmamaneho. Binilisan niya pa ang takbo.
"Karylle NAMAN! Kaloka ka! Bigla-bigla--- yung bata!"
"Sorry!" she smiled sheepishly. "Late na 'ko eh. Ano pala bang balak mo? Sasama ka ba sa opisina? Aalagaan mo pala si Colbie, bat di ka na lang dun sa bahay? Mas komportable dun." Gusto pa talaga sumama sa opisina eh.
"Ano ka? Malay ko ba sa pag-aalaga ng gan'to no? Kailangan andyan ka. Baka kung anong mangyari dito, masisi pa 'ko."
"So naghahanap lang ng damay, ganon?"
"Ano pa gusto mo?"
Kala ko pa naman concerned. Tsk.
Mabilis na binaling muli ni Karylle ang kotse paliko sa pangatlo sa huling likuan bago ang opisina niya.
"HUY!" saway ng pasahero niya sa likod.
"Umayos ka kasi ng upo!" singhal niya sa binata.
Kita mo tong tinotopak na naman?
"Hoy babae. Sa susunod, pag may balak ka pakamatay, mag-warning ka man lang ah. Abisuhan mo naman kami para naman di kami nadadamay ng inaanak ko."
"Don't worry, di ko siya isasama next time."
"Ano??"
I hate you.
