Pabalibag na nilapag ni K ang bag sa sofa pagdating pa lang ng bahay dahil sa bw***t sa nangyari sa opisina kanina. May pinagpasensyahan siyang kliyente, sinabihan ang accounting nila ng tat@ng@-t@ng@, pero wala siyang ibang nagawa kundi pagpasensyahan ito.
"Where's your Financial VP?! I've got to talk to Luz now, she's got to know all these b***sh** you're doing, you all deserve to be fired! Sh**. I paid a hundred and thirty-eight thousand to your account last week. Who's gotten all the money if it wasn't your company? Your accountants are just a bunch of illiterate dumb@sses who don't know what they're doing. Where's Luz?" Sa kabila ng panininghal ng nasa kabilang linya, kalmado lang na nagtitingin ng records si Karylle at sinisiguradong tama ang una na niyang na-conclude. Wala talagang pumasok na cheke o kahit bank deposit sa account nila magmula nung sinasabing oras ng kliyente.
"Sorry about that, but we're really trying our very best, checking all transactions. If we could just wait a little while, I'm transferring you to Ms. Luz." Anya habang pa-pindot na sa phone para mag-transfer ng tawag.
"What?! It's been so long, and yet you haven't transferred me yet? This is so..."
"Ma'am... It is our protocol to listen to all customer complaints and for as long as either of us is verbalizing, I can't just transfer your call. We don't skip details, Ma'am, now may I transfer you to Ms. Luz?" anya sa napaka-accommodating pa rin na tono.
"f*** s*** just get her on the line now!"
"Thank you Ma'am, this will take a while." Pumindot lang ng ilang button sa telepono si Karylle at nagring na ang nasa opisina ng magaling nilang executive.
Linggu-linggo halos maka-experience ng ganito ang accounting office nila... Kung hindi man araw-araw. Sa dami ng nagrereklamo sa loob at labas ng kumpanya, tambak pa ang trabaho... tiyak na kakailanganin talaga ng isang empleyado dito ang balde-baldeng pasensya. Drum pa. Kulang pa yon. Yung mga may utang na sila na nga 'tong sisingilin, sila pa yung galit. Badtrip talaga, di sapat yung sweldo, nakaka-umph! Shut up na lang.
"Ms. Crawford?" tawag ng isa niyang kaopisina mula sa labas at napatingin lang si Kean sa kanila.
"Karylle... ikaw daw." Sabay pabulong pa na inihabol ni Kean kay Karylle. 'Ms. Luz'
"God." Nailing na sabi ni Karylle habang patungo na sa opisina ng Financial VP nila.
"Good luck Girl." –Trixie
"Condolence." – Jass
"Ano na naman yan, Karylle? Bakit mali-mali naman? 138K ano nangyari? Bakit hindi lumabas sa report?"
"Ma'am, yung sa system po kasi---"
"Wag mo 'ko masagut-sagot ng sa system, system! KARYLLE! Ano ba?! Bakit hindi mo chineck? Ano? Ako pa ba magche-check non? Andami-dami ko na ngang trabaho? Bakit di mo kinonfirm?" kasunod nito ay natigil saglit si Ms. Luz dahil tumunog ang Twitter at Facebook notifications niya na kung hindi lang talaga magaling magpigil si Karylle, malamang napa-rolyo na siya ng mata.