False Intuitions

1.7K 82 9
                                    


Kumatok si Vice sa kwarto ni K para ayain nang magtanghalian ito; habang sina Jass naman, naka-abang sa baba. Tiningnan niya ang mga kaibigan ni K at lumingong muli sa pinto. "K..." Mahina niyang tawag. "K... Tanghali na.... Di ka pa la-lunch? "

Bumukas ang pinto at tumambad kay Vice ang maputlang mukha ni K.

"Luh? Anong mukha yan K? Ayos ka lang ba?"

"I'm fine." She smiled. "Sorry about what happened earlier... Pero... baka di muna ko kakain."

"O, bakit?" nag-aalalang tanong ni Vice habang hawak ang ibabang braso ni K. Ineksamen niya rin ang kabuuan nito.



"Basta, di maganda pakiramdam ko."

"May sakit ka na naman?" pagkapa ni Vice sa leeg at noo niya.

Kinuha ni K ang kamay niya at umiling. "Ipapahinga ko lang 'to. Kumain na kayo."

"Masakit ba ulit ulo mo?"

"Hindi... basta sige na... ok lang ako. Kumain na kayo."

"Di pwede. Sabihin mo muna sakin, sa'n masakit sa'yo?"

"Masama ang tiyan ko."

"Paanong masama? Acid Reflux? Gastroenteritis? LBM?"

Hindi na sumagot pa si Karylle dahil di naman talaga sa tiyan ang sakit niya. Awkward lang sabihin yung totoo eh.

"LBM no?" mapang-asar na sabi ni Vice. "LBM? Yuck! Iww!" pang-aasar pa muli nito.

"Tuloy mo yan." Isasara na sana ni Karylle ang pinto ngunit naharang ito ni Vice.

"Teka lang, K!! Seryoso agad e!" patawang bawi ni Vice.

"If manggugulo ka, pwede not today? Iritable ako, FYI."

"Kelan ba hindi?"tawa ni Vice pero di na nag-effort pa si K na sarhan siya ng pinto dahil ayaw niya gumamit ngayon ng kahit konti pang muscle power.

Lumakad na lang papasok ng kwarto si K, at sinundan naman siya ni Vice. Pagdaan sa salamin, tumalikod dito si K bago umupo at saluhan si Colbie sa kama.

"So~ meron ka pala?" nangingising sabi ni Vice.

"Bakit, inggit ka?" pa-snob na sabi ni K at tinulungan si Colbie nung sinosootan na siya ng cat ears.



"Pffft."

"Alis na nga!"

"Ayoko." Kumalumbaba pa't dumapa si Vice habang inaasar si K. Kunyari'y nagtetext pa, maya-maya nakakuha na ng stolen shot ni K. Nakasimangot habang naka-cat ears.

"Bakit ba ayaw mo pa kumain?"

"Eh! G'sto ko sabay tayo. Antayin ko gana mo."

Humagikhik si K at lumipat sa ulunan ng kausap.

Nakatagilid at agad na nilipat ni Vice sa laro ang cellphone niya.

Gigil naman na kinurot ni K ang ilong ng baklang binata.

"Aray! K! Porke't meron ka? Ano, damay-damay?"

"Cute mo kasi. Hahahaha!"

Umaura't nagtaas lang ng kilay si Vice sabay balik ng atensyon sa cellphone niya. Talo. New Game.





BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon