Kitang-kita ang paggalaw ng panga ni Vice pero di ito nagsasalita.
Nagsukatan lang sila ng tingin at si Vice naman ang unang nagbawi para lumabas sa terrace nila.
Sa mga sumunod na pangyayari'y tila nawala na siya sa sarili niya't gigil na nagdutdot sa telepono.
[Calling Billy.]
/////////////////////
Ilang saglit pa'y si Karylle naman ang nakatanggap ng tawag.
"K? Ano yung sinabi sakin ni Vice?"
"Anong sinabi sa'yo?"
"I didn't know about this. Who the h*ll is that guy?"
"What?!"
"He says you---"
"HAHAHAHAHAH! Shucks! Kalma! Ba't ang assumero niyo pareho? HAHAHAHAH! Wait. Is this about that boyfriend thingy again?"
"Meron, wala?"
"WALA!"
"Ba't di mo daw masagot ng ayos si Vice?"
Jeske, ang bakla. Sa'yo talaga nagsumbong. "Ang labo niya kasi eh. Bigla-bigla magtanong. And for Pete's sake, I'm 33!"
"Umayos ka diyan ah. Asan si Colbie?"
"Nanonood. Kausapin mo?"
"Pakausap please. Thanks." Pumunta na si K sa sala at pinasa kay Colbie ang phone. Hawak-hawak niya ito habang animated na nagkekwento si Colbie ng kung anu-ano kay Billy gamit ang lenggwahe niyang sina Karylle at Vice lang ang nakakaintindi.
"Dii... Dii... Pusa... pusshhh cat... Jewwy.. Didi... Pushhket sshikeet Jewwy."
"Sinasaktan daw nung pusa si Jerry. Kuya. Nanonood kasi ng Tom and Jerry. Hahahah!"
[Oh... Tapos, Colbie, ano pa?]
"Didii.. Hanashi!!"
"Oh, wait. Bago yun. Hahaha!"
"Didii... Hanashii."
[Tinuturuan niyo ba mag-Hapon yung anak ko?]
"Hanashi... Humanash ka daw! Si Daddy niya bay an, 'te?" tanong ni Neggy.
Tumango si K.
"Humanash daw, magsalita."
"Didii... Hanashii."
"Yung tatay naman daw magkwento sa kanya." Sabat ni Lassy na pinause muna ang nasa TV kaya naman inis siyang tiningnan ni Colbie, pumatong sa kanya't inabot ang remote sa arm rest. Nagpindut-pindot siya ng buton kaso sa kasamaang palad, Power button ang napindot niya't tuluyang namatay ang pinapanood. "Oh. Di ko kasalanan yan, ikaw pumatay no'n! Hala siya!" iwas ni Lassy.
"Wait lang, Kuya. Si Colbie, pinatay yung DVD. Hahaha!"
[Marunong na mag-operate yan? O? Ba't naiyak?]
"Uhaaaaaaaaa! Mama... Uhaaaaa~~!!"
"Yun na nga, Kuya eh. Pinatay-patay niya yung TV, tas iiyak. Abnormal 'tong anak mo. Hahahah!"