"Bakit ang aga naman ata ng Christmas Party ninyo? Diba dapat next next week pa?" tanong ni Vice habang naghahalungkat ng mga gamit sa mga drawer ni K. Maselan kasi sa make-up si K kaya definitely, ayaw niyang gagamitan siya ni Vice ng make-up sa salon, o kahit personal na make-up ng bakla.
"Ayaw nila sumabay sa season ng iba sa Christmas Party. Kasi sa mga panahon daw na yon, malapit na Christmas Break, maraming magpapa-last minute orders and servicing. Kaya kami mag-aadjust." Sabi ni K habang nanonood sila ng The Little Mermaid ni Colbie. Nakatagilid siya ng higa habang sa tiyan niya naka-unan si Colbie.
"Hala? May Kylie Collection ka? Grabe, di mo ginagamit? Ba't mo pa binili? Kaw ah. Collector ka din pala eh." Tanong ni Vice habang may inilalabas mula sa maliliit na drawer ni K. 3 Metals Bundle, Kourt K, Candy K, Heir, Reign, Exposed... May Like, Literally & So Cute pa! Awwww! K!!!" pagpadyak ni Vice nang makita ang collection sa isang transparent box ni K. Tinaas-taas niya ng isa-isa yung mga lipstick.
"Grabe siya oh... Tapos Dream Pure pa yung BB cream! Ay, meron din ako nito. Sponsored ni Coleen ano?"
"Lahat yan, si Coleen ang nagbigay. Ano bang special dyan? Lip gloss at Johnsons lang naman, ok na ko."
"Grabe talaga yun si Coleen, tapos ininggit pa 'ko nung nakakuha siya. Isa nga lang yung kanya nun. Nung bibili na din ako, sold out na."
"So?" tanong ni Karylle na tumingala sa kinaroroonan ni Vice. Humiga siya at pabaliktad na ang tingin kay Vice habang si Colbie ay umupo naman ng ayos at gumapang mas palapit sa TV.
"Hello?? Kylie Jenner? Duh?"
"Baklang 'to." Natatawang sabi ni Karylle.
"Una kasi niyang ni-release yung Kylie Lip Kit. Tapos nasundan nito. Sobrang fond kasi sa cosmetics yun eh." maalam na pagdedetalye ni Vice.
"Diba model si Kylie Jenner? Bestfriend ni Cara Delevigne?" tanong ni K.
"Si Kendall yun! Hahaha!"
"Oh? Sino si Kylie?" tanong muli ni K.
"Model nga. Pero ---"
"Ah!!! Ay, sorry. Sorry. Keeping Up With the Kardashians?"
"Di ko alam. Di ako nanonood nun. Jenner siya ah?"
"Oo nga. Kendall Jenner."
"O, ba't sila kasama sa Kardashians?"
"Magkapatid kasi. Nanay nila si Caitlyn."
"Oh... Tamo? kilala mo pala."
"Pero di ko sinasamba yung lipstick niya. OA nito." Nakita niyang nagbubukas na ng isang lipstick si Vice.
"Pa-try nito. Pwede?" tanong ni Vice.
"Sure." Walang-pakeng sabi ni Karylle. Tinuon niya ulit ang atensyon sa panonood ng movie. "♪♫ ...The seaweed is always greener... In somebody else's lake. You dream about going up there, but that is a big mistake. Just look at the world around you, right here on the ocean floor... Such wonderful things surround you, what more is you lookin' for?...♪♫"
"Under the sea, Under the sea... Darling it's better, Down where it's wetter...Take it from me~" pagsabay ni K sa kanta habang nagta-try na ng iba-ibang lipstick si Vice. Tinitingnan na rin niya kung ano'ng babagay kay Karylle para mamaya.
"Oy. Hala, 'te. Maligo ka na. Aayusan pa kita, mag-aalas kwatro na oh. Tagal mo pa naman maligo."
![](https://img.wattpad.com/cover/33785808-288-k16611.jpg)