"Baka di ko na kayo mapuntahan bukas hanggang Linggo ha. Dalawang araw ko nang hindi na-atinderan yung salon. Weekend na bukas, maraming customer." Pagpapaalam ni Vice habang dahan-dahang inilalapag sa baby basket si Colbie at sinu-suotan ng safety belts. Napabuntong-hininga ang bata habang tulog.
They both chuckled.
"Pagod ah?" komento ni Vice.
"Ok lang... you were such a big help nga eh. Thank you."
"Sigurado ka talaga, ayaw mo ng kasabay umuwi?" paninigurado ni Vice.
"Bakit, gusto mo?" Karylle says with naughty thoughts evident in her voice. "Sabi na, may gusto ka talaga sakin eh! Hahaha!"
Pinaningkitan siya ng mata ni Viceral at saka nagsalita, "Ikaw Ana Karylle, di ko pa din magets kung anong trip mo."
"Tsss. Obvious naman, ikaw trip ko."
He chuckled. "Wag ako, masasaktan ka lang." He says in his manly voice.
She almost felt her cheeks heat up pero masyadong mataas ang self-control niya kaya't agad niyang niremedyuhan ito. "Cheh! Hahaha! At sineryoso mo naman? Ieeeh! Crush niya 'ko! Hahahaha!"
"S***ulo." Nangingiting sabi ng bakla.
"Hey, don't you cuss at me."
"Odi baliw."
"You really suck."
"Yuck!"
"At anong yuck dun?" K says, not recognizing Vice's dirty talk.
Nangisi't natawa uli si Vice. "Wala." He chuckled. "Uumpisa-umpisa, di naman pala kaya." Bulong niya.
"Anno?"
Tumawa na lang ng mahina si Vice at sinara ang pinto.
Karylle leaned towards the passenger's window at binaba ito. "Hooooy!"
"Wag ka ngang yumuko! Tss." Inis na sabi ni Vice sabay nagsenyas ng tsupee sa dalaga.
K just pouted at nagbacking na kasunod ng muli niyang pagtaas ng passenger's window. "Ewan ko sa'yo. Labo mo." Inis niyang bulong.
Pinag-isipan niya pa kung i-oon niya ang radio pero dahil naisip niyang baka magising ang sanggol na katabi, napagdesisyunan niyang wag na lang. "Love you, Colbie Baby..." She smiled.
///
Dumating si Vice sa salon na di kalayuan sa opisina nina Karylle. Nagbus lang siya at nasingil ng bente pesos na minimum fare.
Pagdating na pagdating niya sa salon ay agad siyang tinuro nina Lassy. "Ay Mother! Andito na pala! Meme oh... Papa-rebond daw si Nanay."
"Rebond po?"
"Rebond."
"OK... Dito, upo na lang po dito. Tara."
"Akala ko, hindi ka dadating eh." Wika ng nasa-sisenta anyos na customer. Gayunman eh ang haba pa din ng buhok nito at regular customer siya ni Vice sa pagtitina.
"Sorry, Mother, may inaasikaso lang po ako. Kanina pa po kayo?"
"Ay nako, Meme... kakarating pa lang niyan ni Mother, tas nung sinabi namin na wala ka, at di alam kung ano oras ka uuwi, walk-out agad." –Lassy
