"Alam mo, minsan, di na kita maintindihan eh."
"Ano bang mahirap intindihin dun, Love? Nagtatrabaho lang naman ako."
"Nagtatrabaho? OK Fine! Nagtatrabaho. So having an arm around her shoulders and smiling at her like that... Trabaho??? Hah! Di naman ako na-inform, actor ka na pala."
"Love, can't we have a break – at least a day without this? I'm so happy you're home! Why do you have to---"
"Oh, just shut it, Billy. If I know, baka yang Nikki na yan, nasa labas na, just waiting for me to leave. Early morning, may tawag. Pag dating ng gabi, "Goodnight"? Hindi pa kayo close ng lagay na 'yan ah? Paano pa kaya kung naging close kayo?"
"You know what, this isn't going anywhere."
"Yeah, no it isn't."
"Glad you understood. Thank God!"
"I won't be home in five months, I've got shoots in Paris, London and Milan. I'd be away for some time."
"What?"
"Yeah."
"Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?"
"Billy, trabaho ko 'to. Besides, di mo naman nire-require na na magpaalam pa 'ko sa'yo diba? Alangan namang pagkatanong sakin ng manager ko, sabihin ko pa, 'teka lang, tatanungin ko asawa ko.' Oh come on."
"Oh come on? Oh come on! Talagang 'oh come on'! Bakit mo nga naman sasabihin sa kanila yun, bakit, may nakakaalam ba kahit saan dito na may asawa ka na? Wala diba?"
"Ugh! We've talked a million times about this."
"I know!"
"This is stressing me even more, don't you get it?"
"Wow. Ako pa talaga naka-stress sa'yo ha?"
"Asawa kita, dapat maintindihan mo't suportahan mo 'ko dito. Eh hindi!"
"Funny how pag mga ganitong oras, pinangangalandakan mong asawa mo 'ko pero pag—"
"Don't even start with me on that, Billy."
Billy unraveled his hair in exasperation.
"Imbes na sumuporta ka, you kept bickering about 'bakit ngayon ko lang nalaman 'to' and such! Billy naman! We're not the usual type of partners and this is not the usual type of job."
"Okay..." Marahan siyang tumatango, pero alam mo sa mukha niyang galit na siya.
"Nakakapagod kang kausap." lapag ni Coleen ng bag niya sa tabi.
"Pagod ka na?"
"What the h*ll, ain't it obvious? I'm dead tired, Billy!"
"What do you want then? Come on, spit it."
"I just want to rest."
"Rest if you should, then."
Walang sabi-sabing binitbit ang bag niya't tuluyan nang lumabas si Coleen ---habang si Billy ay napahiga na lang, sapo ang kanyang mukha sa mahaba niyang sofa. Coleen, Coleen, Coleen!! F*** it.
