"Ha?" maang na tanong ng bisita.
"K???" banas na puna ni Sir Kean ngunit isinawalang-bahala lamang ng dalaga ito.
"Sit here. Ba't andami mong dala?"
"Sorry na, K." Di niya 'to boyfriend. At hindi din manliligaw. Nakakagulat lang mag-effort bigla ng ganito ang kaibigang parang ang tagal ding di nakadalaw sa kanyang paningin.
Medyo nagi-guilty pa rin siya dahil for once, medyo napaghinalaan niya din ito... pero masisisi mo nga ba siya? Kahit pa may isang taon na din silang magkakilala, hindi pa rin niya masyadong nakikilatis ito. Di naman sila nagsasama sa iisang bahay 24/7. Kung hindi pa niya--- oo nga! Ni hindi niya man lang pala nabanggit bilang depensa kay Vice kung bakit niya kinuha yung duplicate key nito. 'He says, it's for my safety'. Ano nga naman bang malay ng mga kasama niya kung anong ibig sabihin niya sa nabanggit niyang yun? Tsk. Mali.
Pero hindi magandang timing ngayon kasi nandyan na siya.
Oras na mabanggit niya ang tungkol sa nawawalang pera ng kuya niya, pati si Vice, malalaman na rin ang tungkol dito. Masyado nang maraming nakakaalam.
"Sorry saan?" Tanong ni Jass habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Nanatili lang na nakatingin sa kanya si Vice at naglahad ng isang kumpol ng halu-halong bulaklak na may maliliit pang balloons. "Sorry..." Napangiti pa ito ng maliit habang nakayukong inaabot ang mga bulaklak kay K dahil medyo nahihiya pa rin siya. Paunti-unti lang siyang sumusulyap sa mga mata ni Karylle.
Bahagyang napanganga ngunit agad na napangiti naman si K nang makitang tatlong sunflowers na may maliliit na kasamang dancing ladies ang napiling ibigay sa kanya ni Vice. Bukod sa mamahalin yun at mahirap hanapin... "How'd you know?"
"Ha?"
"Bakit sunflowers at dancing ladies ang binibigay mo?"
"Ah... eh ano... kasi... mukhang... napansin ko, mahilig ka sa yellow. Eh ayan ang mga alam kong pinakamagagandang bulaklak na yellow kaya yan napili ko. Ayaw mo ba?" napakamot sa batok ang bakla. "...Sorry na." He bit his lower lip at halatang hiyang-hiya sa ginagawa.
Napapangiti si K sa inaasta ngayon ng kaibigan kaya't nilapitan niya ito at hinawi ang bangs ng binata.
Sinilip siya ng mga mata ni Viceral.
"Oy. Kaya ba three sunflowers kasi three sorry's?"
"Pssh. Wag mo na kase 'ko susumbong sa kuya mo!"
Napasalubong ng kilay at taas ng isa si K.
Lalo ang ilan pa nilang kasama sa dining area na matamang pinapanood ang dalawa.
"A..an-- anong isusumbong? Excuse me?" singit ni Trixie.
"Sinasabi ko na nga ba!!!!"
"Kean, ano ba?!" / "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!"
Nakapikit na't nakayakap sa sarili si Vice habang hinaharangan naman siya ni Karylle.
"You know what, Kean, you should go." inis na sabi ni Emmy dito kaya badtrip lang silang nilibutan ng paningin ni Sir Kean, at nagtagal ang matalim na tingin nito kay Vice. "I said, go."
Titingnan niya din sana ng matalim si Emmy pero di niya magawa. Tuluyan na lang siyang lumabas para magpahangin.