Smellin' Something?

1.3K 56 2
                                        

Nasa opisina lang the whole day si Karylle at gaya ng naplano, inovertime niya ng X2 ang ikina-late niya kanina.

Karga-karga ni Vice ang baby habang naroon sila sa tabi ng table ni Karylle. Nilalaro niya pa din ito, as usual. Kandong niya ito habang nanonood ang sanggol sa paglalaro niya ng Fruit Ninja. Paminsan-minsan ding nagri-reach out ang baby sa phone at hahawi sa screen, pero dahil naka-mittens pa, hindi din saktong nasa-slash ang gusting tirahin. Nanggigil si Colbie at halos pumasok na sa phone. Napapalakas pa minsan ang tawa dahil sa panggigigil sa mga nagaganap sa phone screen. Minsan dahil lang sa kamay ni Vice. Di pa siya nakakaupo ng mag-isa kaya, si Vice na lang ang naglalapit ng screen pero hindi naman sobrang dikit sa mukha ng baby.

Habang sa isang banda si Karylle, sumasagot ng tawag ng ilang mga kliyente na transferred galing sa linya ng aligagang coordinator. "Eh sir kasi po hindi talaga namin kayo pwedeng servicean ng hindi pa po kayo bayad..... Sir SOP po yun,.... Sir, I'm getting your point pero sana maintindihan niyo din po, accounting lang naman po kami. Nakapagpadala na kami ng SOA, sana naman po, much as gusto ninyong---" she sighed as she put the phone down. Binabaan na naman siya ng phone ng magaling at always right daw na customer.

Sakit sa ulo... Pero, sanayan lang naman.

"Ang aga namang tutok sa gadget niyan." Ani Trixie na humila ng swivel chair sa tabi ni Vice para haplusin ng knuckles ang pisngi ng sanggol.

"Tita... break time na. Tama na yan." Kalampag ni James (Accounting coordinator din) sa sandalan ng swivel chair ni Karylle sabay hila pa dito. Di naman nagpatinag si Karylle na tutok pa rin sa ginagawa.

"Oy Karylle. Lunch na, babaita." Awat ni Jas kay Karylle na hindi matigil sa dami ng ine-encode sa Excel. "Kyot-kyot ng baby na 'to oh!!" Jassmine says sa boses niyang gigil na gigil at lumapit para i-attract ang bata.

"Buti na lang, wala si Ma'am Luz! Hahaha!" – Jass

"An agreeable thought, for once." Pagsang-ayon ni Emmy, sabay ayos ng glasses niya. Saka niya lang naisip na si Kean nga pala ay nariyan lang sa tabi-tabi at posibleng mai-chuchu ito sa superior niya.

"Don't worry. Your secret's safe with me." Anya sabay kindat sa dalaga.

Emmy rolled her eyes and just stared at the baby again. Scientific and religious siya pero at this point, di niya ma-gets kung bakit ayaw niyang panggigilan din ang bata kasi ayaw niyang mapagbintangan pag yun na-'usog'.

Nang pati ang head at ibang kasamahan sa department ay nagsilapitan na rin para tingnan ang baby bago maglunch-out,

UHAAAAAA~! UWAAAA~! UHWAAAAA~! Huuuu Huuuu.... UHWAAAA~!

"Halaaaaaa! Hahahahahah!"

K stood up and took the baby from Vice. "Ayy.. Baby. Gutom ka na? Ha? Ano gusto niyan, anong gustooo?" K babytalks as she faces the baby habang buhat niya itong patayo at naka-alalay sa ulo. "Colbieee... don't cry na baby..."

"Oy, padeliver na lang tayo, dito na tayo maglunch." –Jass

"What's the commotion all about?" dinig nilang mahina mula sa pinto at from curious, nagswitch naman sa masayang mukha si Carla, isang kadepartment ni Emmy. Si Kean ang ka-ranggo nito sa posisyon. "A Babyyy! Aw, she's cuuute!"

"Pahiraaaam..." ani ng isa pa nilang ka-department.

Iyak pa din ng iyak si Colbie.

"Er, guys, sorry ha? Nangingilala pa ata kasi. Lalabas ko na lang muna. Mas okay daw ng hindi siya pinapansin eh. Hehe..." Karylle awkwardly laughed.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon