Speak Up, Vice.

1.7K 94 52
                                    


Hooooo! Yea. Hahahahah! OMG!!!!! Hangover pa ko sa pagbabasa dito ni @wabajee. Yung otor ng The Switch, eeeeeee! HAHAHAHAH! Hi, wabajee!!! :*

Sa mga naguluhan last chapter, patahimikin ninyo mga kaluluwa ninyo, Special Chapter lang po iyon. :3

Pero seriously... napapaisip din ako kung alin dun ang gagawin kong ruta ng story na 'to. Pareho silang future eh. So, either yung Mother's Day SC, Father's Day SC... Both, or none of the above. 😂

Bale advice ko lang din sa mga readers na nakapanood na ng Life As We Know It. Jeske, wag po kayong mag-expect ng kahit ano or anything. Hoho >_< Yung concept lang ang kinuha ko pati yung key points... Pero di ko keri isakto ito as in saktong on-point dun.😂 Whatever. Flow with me. Hahahah!

Isa pa sibbies, sa mga readers dito na kilig na kilig sa kwento... alalay lang sibs, ah. Baka pag nawala yan, iwan niyo na din ako. 😭 I'm not saying naman na may ganoong mangyayari pero, basta.

Oy, wag niyo ko iiwan. :(

Labyu. 😂 

😙



---------







To: Vice

Gawa niyo?



Pagkareceive na pagkareceive nito ay tumawag kaagad si Vice kay Karylle.

Nagulat naman dito si Karylle dahil di niya yun inaasahan, patago nga lang siya sa ilalim ng mesa magtext. Sunud-sunod kasi yung mga speech ng Canadian bosses nila na once every five years lang bumisita sa Pilipinas kaya engrande ang pagsalubong. Ngayon, nataong Pasko, kaya imbes na simpleng maagang Christmas party lang dapat sila, sa hotel tuloy sila nagse-celebrate.

"Hello?" mahinang sagot sa phone ni Karylle habang nagtatago sa hawak niyang folder.

[Hahahahaha!]



Pokerface na tumingin ng diretso si Karylle at nag-antay na magsalita ang kausap. "Hoy."

[Wag ka ngang magsungit, naka-gown ka.]

"Di ako naka-gown, naka---"

[Shuuu! Edi cocktail dress! Dami arte, pareho lang yun! Hahahaha! O ba't ka tumawag?]

"Ako ba yung tumawag, ikaw----"

She heard someone clear his throat in front of her table. Multiple times. At pag-angat niya ng tingin niya,

"Ay, may kausap ka pala. Sorry."


Samantala, sa kabilang linya, tumitirik na ang mata ni Vice dahil sa boses na narinig. OK na eh. Bruh na naman.


[No, no, it's okay.] Sagot ni Karylle sa kausap, saka namatay ang tawag. Aba?

Hulaan niya susunod. It's okay, di naman importante yun! Bays lang naman yan eh.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon