Diretso lang sila sa paglakad hanggang makarating sa isang sikat na toy shop. Bumitaw na rin sa wakas si Girlie kay Karylle at naghawi ng buhok habang tinitingnan ang mga paninda nito. Pilya itong tumatawa habang mukhang may nai-imagine na. Nakatingin ito sa isang doll at saka nilapag ulit ito. "Does baby want— ay, she's asleep na?" nakasimangot na sabi ni Girlie. "Is she heavy? Baka nabibigatan ka na, want me to carry her, instead?" pag-ooffer ni Girlie pero alam ni Karylle na mas hirap si Colbie magpakarga kay Girlie dahil sa hinaharap nito.
Pareho lang silang mahihirapan kaya tumanggi si Karylle.
Lumabas sila ng toy shop ng walang dala at bilang konsiderasyon na rin kay Karylle, dinala siya ni Girlie sa isang shoe shop para doon muna siya makaupo. Kunwari namang nagtitingin ng sapatos si Girlie para di sila paalisin.
To: Vice
San ka na? Sa Parrizia kami.
From: Vice
O? K. Sorry, si Ruffa kasi. Lapit na po. ;)
Nakangiting tinago muli ni K ang cellphone niya. Pero tumunog na naman ito ulit.
[Vice sent you a voice message.]
Nagsoot muna siya ng headset bago i-play ito at pinakinggan.
['To naman, miss mo ko agad?] tanong ni Vice sa lalaking-lalaki niyang boses.
K bit her lip as she slowly turns beet red; restraining herself from giggling. Bigla na lang parang may kumiliti sa tenga niya dahil sa boses na yun ni Vice. Ni-replay niya ng ni-replay, tutal, siya lang naman ang nakakarinig.
Saka na lang niya namalayang nakaluhod na pala si Girlie sa harapan niya't sinu-sukatan siya ng mga sapatos. Tumingala ito at tiningnan siya. "Look, babycakes, it fits you! You want it?"
"Huh? Hala. Sayo na lang, Girlie." Yumuko si Karylle para bumulong at hindi sila marinig ng saleslady. "Hindi ako bumibili sa ganito."
Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila dahil sa pagbubulungan ng dalawa. "Huh?"
"Ayoko dito, mahal."
Girlie laughed out loud habang nakahawak ang isang kamay sa tuhod ni Karylle.
Patago na lang din tumawa si Karylle hanggang sa maramdaman ang pag-alis ng kamay ni Girlie sa tuhod niya.
"Get up."