"Tissue. Nawawala yung tissue ni Ate. Ahahahah!" ani Girlie habang may kinakalkal sa personal niyang bag.
"Oh? Meron ako dito." Alok ni K, kaso dahil nasa backpack niya pa't karga niya si Colbie, nahihirapan siyang kuhanin. Dahil dito, nag-offer na si Vice na siya na lang ang kukuha't pumunta siya sa likod ni K. Hinanap niya ang 'tissue' sa loob ng soot nitong backpack kasabay ng pagsenyas niya ng tingin sa dalawa.
"Andyan lang yun, nakasiksik sa gilid, nakita mo?" tanong ni K.
Patuloy lang ang pagtalim ng tingin ni Vice sa dalawang kapatid."Mm." tugon nito. Habang sinasara ang zipper ng bag ni K.
"Umm...K, your keys oh. Here." Ngiting-ngiting sabi ni Girlie with bright sparkling eyes.
"Oh? Thanks." K smiled.
Pinandilatan siya ni Ruffa habang di naman alam ni Vice ang mararamdaman niya.
Patay-malisyang nag-ipit lang ng buhok si Girlie sa tenga niya.
Nag-thank you na din si Ruffa para sa tissue.
"Paano yun napunta sa'yo?" nagngingitngit na bulong ni Ruffa kay Girlie.
Kinindatan lang siya ni Girlie. "Galing ko, right?"
"May future." Pa-uyam na ngitngit ni Ruffa kay Girlie.
"I thought, sa'yo eh. Didn't know it was hers." Anya na nagkakalikot ng buhok.
Di rin nakatakas sa paningin niya ang matalim na tingin ni Vice habang mapang-angking hinihigit ang bewang ng nobya.
And to Vice's surprise, hindi nagkibit-balikat si Girlie. Umismid lang ito't bahagyang ngumisi. Dinaanan sila ng dalawa bago ayain na rin ni Ruffa si Karylle.
Malambot na tinapik ni Girlie ang balikat ni Vice pagdaan niya dito. "Ate, let's buy some snacks first." Anya kay Ruffa. "Babycakes, wanna eat something?"
Umiling lang si K at ngumiti. Kinuha ni Vice ang kamay ni K at hinawakan ito ng parang ayaw niyang pakawalan. "Popcorn? Hotdog?" tanong ni Vice.
"Ano ba sa'yo?" tanong ni K.
"Ikaw."
"Popcorn na lang?" ani K tapos sinandal ang pisngi sa braso ni Vice. Nakasandal siya rito habang nakatingin naman sa kausap nilang nagtatanong. Palambing niyang hinihimas ang kamay ng alam niyang nagngingitngit nang nobyo.
"Popcorn?" tila pangontrang sabi ni Vice. "Ayaw mo hotdog?"
"Kanina, tinatanong kita eh." K forms a straight face at nagpatong ng baba sa balikat ni Vice. Kunyaring nainis siya dito at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay niya sa nobyo.
Hinabol naman ng kamay ni Vice ang kamay niya, dahilan para mapa-ikot si K at mapasandal ulit sa balikat niya. "Sige, sige, popcorn. Gusto ko sana footlong, tas share tayo."
Siningkitan siya ng mata ni K, tapos nginisihan. "Okie." Pagsang-ayon nito.
"Footlong?"
"Yup. O. Ako na sa drinks. Iced tea."
"Ok."
"Share din tayo?" nakangising tanong ni K.
"Ok." Buntong hininga ni Vice.