I Want To Be Your Lady, Baby

1.6K 81 21
                                        


"COLBIEEE~~~!!!!" "Colbieeee~~" Trixie offers her open arms at si Jass naman, ginulat si Colbie sa pagsigaw kaya naiyak na lang si Colbie nang magsidatingan ang mga ito.

"Si Vice, wala pa?" tanong ni Trixie.

"Eto, naka-Vice agad eh. L*che, talandi mo girl." Tulak sa kanya ni Jass.



Ayaw sumama ni Colbie sa kahit kanino at iling siya ng iling habang pahigpit ng pahigpit ang yakap sa leeg ni Karylle.

Tinatanggal ni Karylle yung mga kamay ni Colbie sa batok niya pero ang tigas nito's kapit-tuko sa dalaga. "Ayaw niya talaga. Hahahahah!"

"We brought munchkiiiins!!!" pagpasok ni Emmy habang dala ang dalawang box ng puro munchkins at isang may dozen donuts habang si Kean naman ang may dala ng mga frappe.

"Ay, girl. Ako, may bitbit akong macaroons. Ang saraaaap. Swear." –Jass

"Nako, K. Kung hindi ko pa pinaalala kay Jass, wala ka talagang balak dalhan kagabi niyan. Hahahahah!" –Emmy

"K, pa-CR naman oh. Babe. Yung mga gamit, nasa kotse pa. Babalikan ko na lang, ha."

"Okay, okay." Sagot ni Emmy habang kinu-kuha si Colbie na hesitant sumama pero at least, mas medyo okay sa kanya.

"HOY, ba't kay Emmy sumasama ka????" sumbat ni Jass, di pa nakuntento kahit nauna na siyang lumamon ng macaroons niyang dala. "K, macaroons."

"Andaya!" sabi ni Trixie habang hinahabol si Emmy na inilalayo sa kanya si Colbie kasi umiiyak pag nakikitang papalapit si Trixie. 

Binebelatan tuloy siya ni Emmy. 

"Wooooh. Nagpa-practice ka lang, para pag kayo ni Kean na eh. Sus." -Trixie

"Sira, hindi ah.", Emmy's face reddens.

"Di nga? I think I heard him call her babe. Sila na??" unaware na tanong ni K.

"Kagabi lang." sabi ni Jass. Namula si Emmy.

"No way!" ngiting-ngiting sabi ni K.

"Yes it's true. Natigil na rin sa pagpapabebe yang tropa niyo." Pagilid na ngiti ni Kean na halatang kakahugas lang ng kamay at kinindatan si Emmy.

"OMG!!!" –K

"I know, right? Hahahahaha!" –Jass

Malutong na hampas ang dumapo sa braso ni Sir Kean.

"Shucks!!! Hahahahahaha!" tuwang-tuwa pa ring sabi ni K. "God, OMG! Grabe, Congrats!"

"Hahahahaha!" tawa-tawa ni Emmy habang hinahalikan sa pisngi si Colbie at nagba-blush pa din.

"Ako na kukuha ng gamit sa van, Kean. Baka ma-miss ka ni Emmy! Hahahahaha!" panunukso ni Karylle.

"YIEEEEEE!"



"Neknek mo. Huhulog ko 'tong pamangkin mo, ano?"

"Lagot ka kay Kuya, sige ka. Hahahaha!"

"Sa Kuya mo nga lang ba? Baka pati kay...." Nagtinginan ang tatlong babae.

"O. Ano?" inosenteng tanong ni Karylle.

"YIEEEE! HAHAHAHAHA!" sabay-sabay nilang tukso kay Karylle.

"Manahimik kayo, bakit? Inaanak niya lang yan ah? Oh ano?"

"May sinabi ba kaming pangalan?", pa-inosenteng sabi ni Jass na sumisipsip pa sa frappe na hawak.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon