BV

1.2K 67 13
                                    

Nakauwi din agad sina Karylle bago mag-alasais ng dapithapon.

"Eto, ayaw ng gumagastos pero kung magpa-dry clean, wagas. Mag-aral ka kaya maglaba, 'no?"

"I'm trying to learn naman. Wala lang akong time para aralin yung washing machine."

"So sino naglalaba sa inyo, kuya mo?"

"Hindi. Nagpapa-dryclean kami."

"Syusyal!" Ibinaba na nila ang mga groceries mula sa kotse at inako na ito ni Vice nang maiyak na muli si Colbie at pinalitan muna ng diaper ni Karylle.



"Paliguan ko na kaya?" tanong ni Karylle habang naiyak pa rin si Colbie at sinisipa ang hita niya. Nakaupo si Karylle, habang si Colbie nakahiga sa sofa. Lumapit ang ninong nito.

"Baka mapasma?" nakapamewang na sabi ni Vice sa harapan ng dalawa. Kumalahating-upo at luhod ito sa harap ng umiiyak na sanggol. Ibinaba niya muna ang mga pinamili sa paligid niya.

"Baka gutom." –Vice

"Gutom na, Baby?" tanong ni Karylle habang hawak ang isang malinggit na kamay ng sanggol.


"Papapapapapapap... Uhaaaa~ Papapapapapapap"


"Papapap?" tanong nila pareho nang marinig ang bagong salita nito.

"Papa ano?" -Vice

Umiiyak si Colbie na nakatingin sa kanilang dalawa, tapos kay Karylle. "Papap." Tinaas niya ang dalawang kamay at nagpabangon kay K. Iniangat siya ni K at kinandong.

"Papap ka daw. Sabi sa'yo di kumikilala ng babae yan eh. Ako Dada, ikaw Papap!"

"Manahimik ka nga!" natatawang saway ni Karylle. "Ano gusto?"

"Papapapapap~!"

"Ano yung papap?" tanong ni K at iniangat ang ulo mula kay Colbie patingin kay Vice.

"Baka dede?" suhestyon ni Vice na itinabi ang mga kahon ng CCTVs sa isang lamesa. Dinala niya na din ang groceries sa kusina.

"Dede, Baby?" tanong ni K habang nakasunod kay Vice patungong kusina. Magtitimpla na siya ng gatas. Ubos na kasi yung dala nila para sa buong biyahe kanina. "Ay. Ba't nga pala dito?" Naalala niyang nasa kwarto nga pala yung titimplahin. Palabas pa lang siya ng kusina, nagsalita ulit si Colbie.


"Papapapapap!"

"Ayh! May naisip ako." Masiglang sabi ni Karylle sabay kuha nung bagong bili niyang cerelac. Karga-karga ni K si Colbie, habang nililigpit ni Vice ang mga pinamili sa ref. Dumukot ng isang maliit na kahon dito si K. "Gusto mo nito, Baby?"

Tumili ang sanggol at inabot ang kahon.

"Kainin mo yung box, baby!" singit ni Vice habang nag-aayos sa ref.

Mahinang tumawa si K at kinuha na ang kahon mula sa kamay ni Colbie. "Tita's gonna prepare first, huh?"

Gamit ang isang kamay, umabot siya ng bowl sa pingganan at binasa ang instructions.

"Akina muna si Colbie." Pagboluntaryo ni Vice kaya mas madaling nakapagtimpla si Karylle.



Iniwan siya ng dalawa sa kusina kaya naman nang matapos ang tinimpla'y saka na sila pinuntahan sa sala ni Karylle. Nanonood pala ng volleyball si Vice. Di din naman alam ni Vice kung paano patatahanin si Colbie pero thinking na gutom lang ito, inaalo niya na lang sa pagsasabi ng "parating na si Mama dala pagkain mo, ha?"

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon