Habang kay Vice, ang advice ko, (for this story lang ha 😂) ... is to listen carefully, advice ko naman po sa ating mga mambabasa is to be keen on details. Read carefully -- or you might miss something. Haha Thank you sa nag-uumapaw na namang comments and votes! New followers and friends~ Thank you! Hi kay Hyacinth. ^_^ Re_Lianne, salamat din sa ating naging kwentuhan. All commentators, kisses to you, sibs! Thank you very much! 62 Voters, thank you! To all the readers, thank you!
~~~~~~~~
Nagising si Karylle sa iyak ni Colbie at inasikaso niya agad ito. Tinanggalan niya ng diaper at full-body suit, pinagbihis ng mas preskong damit. Pinadede... at nang makita niya ang oras, dapat maghanda na rin siya ng baon niya kaya binuksan na niya ang pinto. Chineck niya sa DVR kung nasa pinto pa rin niya si Vice, pero nakita niyang wala na ito. Nasa kusina ang taong hinahanap niya.
Habang papalapit siya ng papalapit sa kusina, naamoy niya ang mabangong amoy ng paborito niyang chicken omelette kaya na-excite siyang kainin na ito. Nang magtagpo ang mata nila ng kagabing nakagirian, bahagya siyang nailang pero isinantabi niya na muna ito. Awkward kung awkward talaga kung iisipin, normal yun. But being the 'Karylle' that she is, gusto niya pa ring tuluyan nang iwaksi sa isipan yun. Yung kunyari, walang nangyari? Kayang-kaya niya yun.
Pagpunta niya sa rice cooker, may nakasalang nang kanin.
Tiningnan niyang muli si Vice. Hininaan ni Vice ang apoy at lumapit sa kanya. "Ang aga mo magising, di pa luto yung---"
"Di mo na dapat to ginawa... Ang aga pa nga masyado, ba't gising ka na?" Nakita niya rin sa mga mata ni Vice ang bakas ng puyat sa eyebags. "Natulog ka ba?"
"Oo naman. K-Karylle, So...sorry talaga."
"Ah. Yun? Wala yun! Sus." Nakangiting sabi ni K at bumaling na agad sa pagkain. Kumurot siya sa omelette at dinilaan ang daliri niyang pinangkurot niya dito. "Shorop. Thank you ha?" nakangiti niyang sabi.
"... O? Why so stiff? Nuka ba? OK lang yun! Forget it. I'm okay." She beamed.
Gustung-gustong magprotesta ni Vice sa narinig. 'Forget it'? 'Forget. It????'
Sa lahat ng sinabi ni Karylle pati sa ginawa niyang paghalik dito kagabi --- oo, nagsorry siya, pero parang hindi naman 'forget it' ang gusto niyang sagot dun. Hindi niya rin alam kung ano, basta hindi 'forget it'; lech*ng 'Forget It' yan?! 'Forget It'??? First three kisses daw ni Karylle, at bakla siya. Di naman siya basta-basta nanghahalik ng babae tapos lahat-lahat ng kagabi, FORGET IT na lang yon?
"This girl I'm telling you, came from a broken family. She saw exactly how her parents tore apart, and how her mom crushed her own self into pieces. Her older brother was a flirt who once had three girlfriends all at the same time --- had so many flings. This girl once got betrayed so bad, she nearly never healed. Now tell me how would that girl not ask for anything that could give her at least a slight hint of assurance? You really think she should find it that easy to trust again?"