SPECIAL CHAPTER [Mother's Day]

1.4K 72 8
                                    

Angelica Alcober, request mo 'to. Thank you ulit, @bratzangel05! <3

Sibs, sa iba pang bet kumontact sakin through Twitter, ako po si @ChrysDL on Twitter, huh... Thank you! ^_____^





SPECIAL CHAPTER (for Mother's Day)

Tumutugtog ng gitara si Karylle, tutal wala naman na si Colbie ngayon, at mami-miss niya lang lalo ito pag nagbukas siya ng TV at nagbatian sila ng nagbatian sa TV ng Happy Mother's Day. Di naman niya anak si Colbie,... di pa din siya mother... Pero dahil sa pagkakabawi ng pamilya ng ina nito kaya ang laki ng naramdaman niyang pagbabago at pakiramdam niya rin talaga para na talaga siyang nawalan ng anak. Kahit matagal na matagal na yun, pero kasi dito sa kwarto niya mismo laging naglalagi ang batang yun dati nung sanggol pa siya. Nakaka-miss lang.

Wala pa si Vice.

Wala din sina Jass.

Wala nang natira.



"♪♫ Every now and then, we find a special friend...♪♫" tugtog niya sa gitara niya. "♪♫...Who never lets us down... who understands it all, reaches out each time you fall...You're the best friend that I've found. ♪♫"

Sa kaydami-dami ba namang tutugtugin K, ba't yun pa? reklamo niya sa sarili.

Tumigil siya sa pagtugtog at nagmukmok sa kama. Dati-rati, kung di dumating ang mga kaibigan, di na siya magkakamayaw sa dami ng ginagawa. Pero iba ang kaso ngayon. Walang bisita, walang alaga. Ayaw din niya magdemand ng oras kay Vice dahil alam niyang ngayon na lang ito nakakabawing magfocus muli sa business niya... at... parang di naman din ata kasi tama. Wala naman na silang dapat pagsamahan pa.

Bahagyang nakaramdam man ng gutom, itinulog na lang niya ito. Tapos na rin naman siya sa lahat ng gawaing bahay pati mga take-home job.




/////////////////////




"Musta kaya si K ngayon?" nakatingala niyang sabi habang tumitingala sa orasan. 3:00 pa lang at may nire-rebond na naman siyang customer.

"Miss agad?"

"Isang linggo na kaming hindi nagkikita."

"Grabe naman, tatlong araw pa lang, Meme! Andun ka kaya sa kanila nung Thursday!"

"Di ko siya nahatid-sundo nung isang araw at kahapon. Di pa sumasagot sa text ko ngayon."

"Madir. Hindi kailangang everyday, okay? Eksaheradang 'to. Maipaalala ko lang sa'yo, kamuntik na tayong malugi, may kalaban na naman tayong bagong parlor sa tapat oh. Buti na lang, tumulong sa money-money si Kurba Mhie. Kung hindi, pinataob na tayo niyan." Walang-prenong sabi ni Neggy, na nakalimutan atang may mga customer na nakakarinig.

"Kaso nung makabangon naman tayo, di man lang ako nakapagtreat o kung ano. Nakakahiya dun sa tao. Gaya nga ng sabi mo, siya nag-ayos, nag-isip pati mga pampromo. Pati pagke-kwenta ng lahat, siya na din, nag-ambag pa."

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon