Karylle, Kuya & Friends

2.4K 64 0
                                        


"Bw**** talaga yung babaeng yun, wag na wag ko lang siya makikita ulit, nakhhhh!"

"Fairness, ang gentleman mo dun sa buntis ah? Ang gwapo siguro ng dating mo nun. Tsss. Sayang, naka-make up ka naman!" panghihinayang ni Lassy habang nanonood ng TV.

"At ito pa nga pala. Imbyerna talaga yun, eto talaga pinakakinainis ko sa lahat eh. Nakita mo itsura ko kanina diba?"

Tumango naman sina Neggy at Lassy.

"Ngayon?" singit ni Neggy habang sumusubo sa Pringles na pinabili niya din kay Vice.

"Yung itsura kong yon! Pagbintangan ba naman akong asawa nung buntis na yun?"

"WT??" reaksyon ni Lassy na sinabayan naman ng palatak na pagtawa ni Neggy.

"Grabe!!! Wo0o0o0o0h!"

"AHAHAHAHA!"

"Di ko pa man din nakikilala yan, mukhang makakasundo ko na siya." Pang-asar na kumento ni Alex habang sinisipsip ang hinlalaking puro cheese powder.

"Bruha ka talagang babae ka," at pahabol nang nagpupumiglas si Vice palapit sa kaaway.

Dahil alerto, agad na bumalikwas sa pagkakahiga sa sofa si Alex at iniwasan ang pagdamba ni Vice sa kanya. Nagtatakbo siya hanggang kusina at hinabol naman siya ng binata. "S***ulo ka, pag naabutan talaga kita, sasabunutan ko yang labia majora mo!"

"Sorry, wala kang mabubunot don, malinis yung akin." Tawa ni Alex sabay tago sa likod ng upuan.

"Kadiri kaaa!" pabaklang pandidiri ni Vice habang aktong kinikilabutan at bumalik sa salang kinaroroonan nina Lassy.

——


"Yeeaaah!" sabay-sabay nilang pagtapon ng cards at panalo na naman si Emmy.

"Urgh! I never get to win!"

"Madaya to si Emmy eh. Sabihin mo, may powers ka ba ni Do Min Joon?" reklamo ni Jass pangsegunda kay Karylle.

"♪♫...Just got lucky...♪♫, Ahahah! Thanks girls! One more round?" masayang tanong ni Emmy habang kinukuha ang panalo niyang mga packs ng smores na ginawa nila ngayong gabi lang.


"Ang sarrrrap..." paglalaway ni Karylle sa smores.

"Please, K, takpan mo mata ko, ayoko nang makita... hindi ko kaya 'tooo!"

Niyakap na lang ni Karylle si Jass sa mata at lumayo na sila sa dining area.


Emmy, on the other hand licks her fingers as she indulges herself on all the pizza, salad at smores na nakalatag sa mesa.

"KARYYYLLE!!!! Huhuhuhuhu!" Pagwo-walling ni Jass kasama si Karylle sa sala.

"Tama na Jass, OA na." ani Karylle na pasalampak na nakaupo sa isang one-seater sofa-chair sa harap ng TV habang nakalambitin sa isang armrest ang mga binti niya at ang isang braso sa sandalan. "Wala namang magandang palabas." Nakasimangot niyang sabi habang pinapasadahan ang bawat channel sa telebisyon.

"K, dito ka na matutulog?" Excited na tanong ni Jass na siya namang nagpabalik sa huwisyo kay K. "Anong oras na ba?"

"10:30 na eh." Blangkong sabi ni Jass na nakatingin sa orasan ilang pulgada lamang ang layo mula sa kisame sa taas ng Plasma.

"OMG!" Agad na tumayo si Karylle at kinuha na ang bag niya.



BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon